Akhira's Pov Kinabukasan ay nagising ako na magaan ang aking pakiramdam. Hindi ko sigurado kung dahil ba iyon sa mainit at nakakapagod na gabi na aming pinagsaluhan o dahil ba sa maganda at tahimik na lugar kung nasaan ako namamalagi. Kung sa bahay kasi iyon, kahit na wala ang aking pamilya, kahit na mag-isa akong naiiwan sa bahay ay sadyang hindi nabubura ang mga problema sa aking isipan. Hindi tulad ngayon na talagang enjoy na enjoy ako sa bakasyon. Plano ko talagang mag enjoy ng todo dahil alam ko na mabigat ang responsibilidad na aking haharapin pag-uwi. "Anong gagawin natin? Seriously? Hindi ko na kayang tiisin ang gutom. Sumasakit na talaga ang tiyan ko," natigilan ako sa pagpasok ng kusina nang marinig ang nagrereklamong tinig ni Mayu. "Bebe ko, tiis ka muna. Saglit na lang