Akhira's Pov "Hmm...hmm..." umuungol na saad ko. Ilang sandali pagkatapos niya akong ikulong sa kanyang mga bisig ay natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakikipaghalikan kay Adrian. Sa loob ng kusina habang nakasandal sa lamesa ay doon niya linalantakan ang aking mga labi. At dahil talagang marupok ako ay hindi ko na nagawa pang tumanggi sa kanyang mga halik. "Akhira, ugh... baby. I miss this. I miss your lips..." napapaos na bulong ni Adrian. Saglit lamang niyang pinakawalan ang aking mga labi para ibulong iyon. Ngunit dahil magkadikit pa rin ang aming mga labi at ang mainit nitong hininga na tumatama sa bibig ko ay halos kilabutan ako sa kakaibang damdamin. "Adrian, galit pa rin ako sa'yo," giit kong pabulong ngunit nasa mga labi naman nito ang aking mga mata. "I know,