Mayu's Pov Nang makapasok ako sa kusina ay sumalubong sa mga mata ko ang lamesa kung saan doon tinakpan ni Adrian ang pagkain ni Akhi. Nag tip toe ako at dahan-dahang lumapit sa pagkain. Nakakatakam ang pancake na luto ni Adrian kaya hindi ko mapigilan ang sarili. Bahala na. Hindi naman siguro siya magagalit kapag kumuha at kinulangan ko iyon. Sa lagay nila ngayon, baka nga hindi rin nila mapapansin na nabawasan iyon. Nag-aalala rin naman ako sa kaibigan kong iyon. Alam kong matigas ang ulo niya katulad ko kaya naiintindihan ko ang takbo ng kanyang isip. Minsan talaga ay masarap pumunta sa lugar kung saan malayo sa mga taong nagiging dahilan ng sakit na iyong nararamdaman. Nag-aalala ako kay Akhi pero sa puntong iyon ay gusto ko munang unahin at asikasuhin ang kumakalam konh sikmu

