Akhira's Pov Sunod-sunod na pagmumura ang lumalabas sa bibig ko dahil hindi ako makapasok sa guard house. Talagang nahihirapan ako dahil sa nagkalat na bantay ni Nanay. Hindi ko rin sigurado kung nasa loob ba ng bahay si Adrian ngunit sa kabila niyon ay nandoon pa rin ang kagustuhan kong makapasok. Walang mangyayari sa akin kung patuloy akong umasa at maghintay sa wala. Kailangan kong kumilos. "Tang*na. Bakit ba wrong timing ka lagi?" Inis na bulong ko nang akmang tatakbo ulit ako ay sakto naman na may pumunta sa bahaging dadaanan ko. Bente kwatrong oras yata sila nagpapatrol sa buong paligid ng bahay at nagpapalitan lang ng oras upang hindi sila antukin habang nagbabantay. "In one, two, three. Run, b*tch," pagkatapos kong bilangan ang sarili ay saka ako tumakbo ng mabilis patungo

