Sa pang-anim na buwan na pagbubuntis ni Elyana, nagsimula siyang makadama ng kakaiba. Sinabihan siya ng doktor na huwag ng masyadong nagpapapagod dahil pati ang bata sa tiyan niya ang nai-stress din at napapagod. Binawasan niya ang ang paggala, naging antukin at madalas naman siyang gutom kaya lalong bumibilog ang kaniyang katawan. Nawala na ang madalas na pagkahilo niya at pihikan sa pagkain, pero may lagi siyang hinahanap. Si Felicity. Tila ba hindi kompleto ang kaniyang araw kung hindi ito nakikita. Kaya nang hilingin nitong doon na lamang siya sa mansion ulit tumuloy, wala ng nagawa pa si Felicity. Mahirap tanggihan ang buntis at maaring hindi naman siya ang may gusto niyon, maaring ang sanggol sa loob ng kaniyang tiyan na siyang nakadarama ng kanilang matinding koneksyon. Ang