Third-person’s Point of View Buong biyahe ng dalawa pauwi sa mansion ay balisang-balisa si Felicity. Kinakabahan siya dahil tunay nga ang sinabi ni Florentin na tila may nagmamatyag kay Elyana. Nais niyang tawagan ang binata upang sabihan ito agad at nang sa ganoon ay makagawa sila ng paraan kung paano puprotekyunan ang kanilang kaibigan lalo na’t hindi sila nakatitiyak kung masama ba o mabuti ang ginagawa nitong pagmamatyag sa diborsyada. Habang nagmamaneho, panay ang tingin niya sa side at rear view mirror. Napakabilis ng kilos ng kaniyang mga mata na hindi nakaligtas kay Elyana. "Are you okay?" Nagtanong na ito nang hindi na makatiis. Naguguluhan kasi sa kinikilos ng kaniyang kaibigan dahil hindi mapakali at makapag-focus sa kanila lang dinadaanan. "Y-Yes, I am," mabilis niyang