Third-Person's Point of View Inaantok pa si Florentin dahil madaling-araw na siyang natapos sa kaniyang ginagawa nang nagdaang gabi ngunit pinilit niya pa ring bumangon upang pagbigyan ang hiniling na pabor ni Felicity. May mga ideya na sumagi rin sa kaniyang isip kung anong magandang gawin. Diretso siyang nagtungo sa banyo at paghubad ng suot na damit bago pumasok na sa shower area. Okupado ang isip dahil sa mga ideyang at tinitimbang kung alin ang nararapat na hakbang sa mga iyon. Sa pagbuhos ng tubig sa kaniyang katawan ay bahagya siyang nagitla dahil nakalimutan niyang buksan ang heater at kay lamig ng tubig na bumuhos. Sa kabila niyon, laking-tulong din dahil nagising ang kaniyang buong diwa para makapag-isip ng maayos at makapagpasya kung paano lubos na matutulungan si Elyana. Mab