Araw ng Biyernes, muli akong hinatid ni Felix pabalik sa hotel. Hindi ko kailangang pumunta sa site sa susunod na dalawang araw o sa madaling sabi—hindi ko kailangang makipagplastikan kay Pretzel bukas hanggang sa Linggo. Nakapapagod ang trabaho, but it's worth is when I could be with my best friend. Napakadali niya talaga akong mapatawa kahit sa simpleng salita lang at facial expressions niya ay naaliw na 'ko. Nakakainis lang kapag pati si Pretzel nakikitawa sa amin, kapag ganoon, nakataas ang kilay ng inner brat side ko. Mabait naman siya sa akin pero naiirita ako sa presensya niya lalo na kapag inaasikaso ng kambal kapag kailangan niya sila at may pagkain siyang hinahanap. You know—the pregnancy cravings and sort. I heard balak ni Felix umuwi. Si Felicity din kaso aalis ni Felix ka