Third-person’s Point of View Ibang Elyana ang lumabas mula sa VIP room White Castle Hotel and Resort. Iba ang ayos niya nang araw na ito at kitang-kita ang kaniyang pagkasopistikada. Malayo sa ayos niya sa tuwing susunduin siya ni Felix upang maging assistant niya. She was wearing a black tight dress na labas ang kaniyang magkabilang mga hita. She also wore makeup and and she curled her hair para magkaroon ng buhay ang bagsak niyang mahabang buhok. Nagsuot ng mamahaling sapatos at nagdala ng worth a half a million na maliit na pouch. Pagbaba niya sa ground floor ay ang front desk agad ang kaniyang tinungo. Ang dalawang staffs na naroon ay halos hindi siya nakilala sa kaniyang ayos. “How much ang bill ko last night?” tanong niya sa dalawang naroon. “Can I get your name, ma’am and room