It takes a great amount of courage to apologize to someone. Hindi ako yung tipo ng taong nagso-sorry, mataas kasi ang pride ko at aminado ako roon. Pero alam ko na darating din yung araw na kailangan kong ibaba ang pride ko at harapin ang mga taong nagawan ko ng kasalanan. "I'm sorry." I heaved a sigh. "Sobrang naging mean ako sa iyo. Nadamay ka pa tuloy sa galit ko kay Vince noong mga nakaraan. Hindi sa hindi kita gusto, sadyang naiirita lang talaga ako at hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. And maybe, yes, a part of it is because I'm jealous of you and Vince, nasabi mo kasi sa akin na crush mo siya noon at feeling ko... uhh.. " Humalakhak siya. I feel offended somehow. Ang seryoso ko rito tapos kabado tapos tatawanan niya lang? "Crush ko siya noon pero hanggang doon lang iyon,