"Kinakabahan ako," sambit ko habang mahigpit ang hawak sa kamay niya. Papasok na kami ngayon sa bahay nila Vince, their farm house. Sa pangalawang pagkakataon ay mami-meet ko ang family niya but for some reason, triple yata ang kaba ko ngayon. Dapat pala hindi ako nagkape kaninang umaga dahil halos lumundag na ang puso ko sa sobrang kaba. He playfully let out a chuckle. Obvious na tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko, ni hindi man lang ako tulungan na mawala ang kaba. "Na-meet mo na sila noon. At alam mong gusto ka nilang lahat kaya 'wag ka na kabahan. Hmm?" Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko at bahagya akong hinila pa lalo palapit sa kanya. His fresh and manly scent filled my nose. Sa halip na mawala ang kaba ay mas lalo lang iyon nadagdagan. "Iba iyon," giit ko. "We weren't togeth