Chapter 21

2531 Words

"SI Kenji. Magtago ka muna," natatarantang sabi ni Margareta. Tumayo naman ang lalaki at ito na ang naghanap ng mapagkukublian. Nang makapagtago na si Zandro ay saka pa lamang niya tinungo ang pinto at pinagbuksan si Kenji. "Hi! Wala ka sa shop kaya pinuntahan na lang kita rito," nakangiting bungad ni Kenji. May dala na naman itong pagkain. "Ahm, papunta na rin ako roon. Actually kumakain ako ng almusal," aniya. "Almusal?" kunot-noong bigkas ni Kenji. Pumasok na ito. Hindi mapakaling palinga-linga ito sa paligid. "Tinanghali kasi ako ng gising," wika niya. Pinagmamasdan lamang niya si Kenji habang sinusuri ang bawat sulok ng bahay. Kinabahan siya nang mapansin ang jacket ni Zandro na nakalapag sa ibabaw ng center table. Palapit na si Kenji sa bahaging iyon. Nagmamadaling nilapitan na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD