ALAS-OTSO na ng gabi nakauwi sa bahay nila si Margareta. Inalipin na naman siya ng lungkot nang makapasok siya sa bahay. Nakakabingi ang katahimikan. Bago siya umalis sa shop ay kumain na siya. Gusto niyang matulog kaagad dahil ayaw niyang manatiling gising nang ilang oras dahil naaalala lamang niya ang mga nawalang mahal niya sa buhay. Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay hindi niya kaagad binuksan ang ilaw. Maliwanag kasi ang buwan at tumatagos ang liwanag sa siwang ng bintana. Binuksan na lamang niya nang tuluyan ang bintana. Umupo siya sa gilid ng kama at isa-isang hinuhubad ang saplot niya sa katawan. Inaalipin na naman siya ng lungkot. Maraming bagay siyang nami-miss. Higit sa lahat ay nami-miss niya ang presensiya ni Zardum. "Zardum, magpakita ka sa akin," wika niya. Naghintay siy