NILAMON ng kaba si Margareta nang mamataan si Renn na animo'y sususgod sa giyera habang papalapit sa kanila. Malalaki ang hakbang nito. Akmang susugurin siya nito ngunit hinarang ito ni Zandro. Ginapos ito ng binata habang nagpupumiglas at pumapalatak. "How dare you, Margareta! Sinasabi ko na nga ba, ahas ka! Malandi! Hindi lang si Kuya ang niloloko mo! Pinapaasa mo lang siya! Siguro matagal na kayong naglalandian at kaya ka nanlalamig sa akin, Zandro! Mga hayop kayo! " asik nito. Hindi lamang siya umimik. Hinayaan niyang si Zandro ang kumausap dito. "Tama na Renn!" ani Zandro. Ito naman ang binalingan ni Renn. Pinagsasampal nito si Zandro at pinapalatakan. "Walang hiya ka! Kaya ba okay lang sa iyo na hindi matuloy ang kasal dahil may iba ka na? Hayop ka! Nagbabaliw-baliwan ka para lay