KINAKABAHAN si Margareta habang nag-aabang sa tapat ng tarangkahan ng bahay nila Kenji. Agad namang umalis si Zandro pagkahatid sa kanya. Nagdadalawang-isip siya kung dapat na ba niyang pindutin ang gate bell. Napansin kasi niya ang kotse ni Renn na hindi pa maayos ang pagkakaparada sa garahe. Malamang nasabi na niyon kay Kenji ang natuklasan nito. Kung kailan pipindutin na niya ang gate bell ay saka naman niya namataan si Kenji na palabas ng kabahayan. Patungo ito sa garahe. Lumapit ito sa kotse nito saka nag-apurang sumakay. Nagsisimula na namang kumabog ang dibdib niya. Natatarantang kumubli siya sa mayabong na halaman nang nagmamabiobra na ang sasakyan. Nang malapit na ito sa gate ay bumaba pa si Kenji upang buksan ang tarangkahan. Nang makalabas ang sasakyan ay muli na namang humin