MAY isang oras nang pinagninilayan ni Margareta ang private ward na inuukupa ni Kenji. Hindi pa kasi lumalabas si Renn magmula nang pumasok ito roon. Bigla naman niya naalala ang kuwintas niya na pinigtas ni Renn. Hinanap niya sa labas ng emergency room ang kuwintas ngunit wala na roon. Marahil ay naitapon na iyon o may nakapulot. Mayamaya'y lumabas na si Renn sukbit ang shoulder bag nito. Makalipas ang isang minuto ay naghinay-hinay na siya sa pagpasok sa ward ni Kenji. Natigilan siya nang madatnan si Kenji na gising. Awtomatikong bumaling ang tingin nito sa kanya. May benda pa ang ulo at kaliwang braso nito. "Margaret..." mahinang bigkas nito. Nanlalaki ang mga matang nakatitig ito sa kanya. Nag-aalangan siyang lapitan ito ngunit nang kumilos ito para sana'y babangon ay naudyok siyang