"Ha' eh wala." Palusot naman ni Titus ng tingnan n'yaulit ang babae ay saktang umandar na ang sasakyan ng nakita n'ya. Gusto ni'yang pasundan ang sasakyan ng babae kaso na stuck pa sila sa pila dahil parang may problema ang sinusundan nilang sasakyan kaya hindi pa sila makausad. Hanggang sa nawala na sa kanyang paningin ang sasakyan. " Saan kaya s'ya pupunta?"tanong sa isip ni Titus at saka lang sila nakausad.
--
Sa wakas nakarating din sila Olivia sa kanilang distinasyon. At dahil may booking na sila at vip pa kaya wala ng maraming tanong pa kaya dumaristo na agad sila sa kanilng room, iisang room lang ang kinuha ni Olivia para magkakasama silang tatlo ang pinakamalaking room ang kanyang kinuha at kompleto na ito sa loob parang mini condo na ang dating.
"Woooooh!" Sigaw ni Olivia na nasa terrace ng kanilang room na kitang kita ang kagandahan ng paligid. Sumunod naman ang mga kaibigan na pumunta sa terrace kong saan si Olivia.
"Wow ang ganda." Ani Pia na namamangha sa tanawin.
"Girls, look parang may ikakasal ang ganda ng receptions." Sabu ni Mia sa mga ito.
"Tama may ikakasal nga narining ko kanina sa baba." Ani Olivia sa mga ito.
"Sana ganyan din sa beach din gaganapin wedding ko."ani Pia.
"Mag-jowa ka muna." Pabirong sabi ni Olivia sabay pasok sa loob at inayos na ang kanyang mga gamit.
"Sa wakas nakaratimg din tayo." Ani Kim na kabababa lang ng sasakyan at nakita na n'ya ang ibang relatives nila na aattend din sa kasal ng knailang pinsan. Agad namang sinalubong sila ng mga staff at tunuro sa kanila ang kanilang room. Dahil mga vip din ang mga ito.
Maraming mga bakasyunista sa hotel na iyon kay maraming tao at kilala ang hotel na iyon sa isa sa pinakatanyag sa lugar na iyon.
--
Dahil maganda ang panahon hindi mainit kaya napagpasyahan ng magkakaibigang Olivia, Pia at Mia na maglibot sa beach, at dahil gutom na sila kaya kakain muna sila bago gumala. Maraming kainan sa paligid ng beach na sakop pa rin ng hotel na iyon kaya doon sila kumain sa labas ng hotel para maiba naman. Maraming tao sa paligid pagpasok pa lang nila Oliviaa sa loob ng kainan day maraming nakatingin sa kanila. Na akala mo ay ngayon lang nakakita ng babae, sa pananamit ni Olivia na sobrang iksi ng suot nitong skirt at labas pusod nitong damit kaya kitang-kita ang mala balat sibuyas nitong kutis. Pero sanay na siya sa mga ganoong ganap kaya wala lang sa kanya.
--
Dahil aabay si Kim, kaya isnamahan nila Titus na ayusin ang sarili, pero imbes na makatulong silang dalawa ni Karl ay pangulo lang ang mga ito. Pagganitong usapan at ganap talag ay walang matino sa ka kanila.
"Luko pag kayo talaga unang ikakasal asahan n'yo ganti ko sa inyong dalawa, pagbibirong banta ni Kim sa kanilang dalawa ni Titus at Karl.
"Kailan pa sure yan si Titus mauuna mukhangf seryuso eh." Ani Karl sabay hagalpak ng tawa dahil alam naman ni Kim at Karl ni isa wala pa silang siniryusong babae.
"Iwan ko sa inyong dalawa." Napailing na lang si Titus, dahil sa kanya na naman napunta ang usapan.
--
Matapos kumain sila Olivia ay umalis na sila sa lugar na iyon at nagpasyang libutin nilaang lugar. Masaya ang magkakaibigan sa kanilang pamasyal. At nalaman din nila na may live band tuwing gabi sa beach at kung anu-ano pang mga palabas tuwing gabi, kaya tiyak na ma-eenjoy nila ang kanilang outing.
--
Halos mag-uumpisa na ang ceremony kaya naman bilang suporta nila Karl at Titus sa kaibigan kaya sinamahan nila ito sa mismong venue sa beach.
--
Pauwi na sina Olivia at madadaanan nila ang reception ng ikakasal kaya nagmamadali silang naglakad at dumaan sa pinakadulo ng reception area, dahil alam ni Olivia na mayaman ang kinakasal at alam niyang bawat sulok nito ay may camera kaya tinalpan niya ang kanyang mukha ng dala nilang pouch na maliit, at nagmamadali itong pumasok sa hotel.
"Hoy, bakit ambilis mo atang maglakad?"tanong ni Pia kay Olivia.
"Wala gusto ko lang gumamit ng bathroom." Pagpapalusot ni Olivia sa mga ito.
Mula sa taas ay kitang kita nila Olivia ang kaganapan sa baba, at dahil wala naman siyang pakialam kaya mas ginusto pa niyang mahiga na lang at manood na lang muna. Dahil pagod din s'yang naglakad kanina. Hinayaan na lang n'ya ang mga kaibigan na nanonood sa kaganapan sa baba.
"Ay naku kaya palanatahimik ang bruha tulog na pala." Ani Pia kay Mia dahil nakita nitong tulog na ang kaibigang si Olivia.
"Hayaan mo na napagod yan, para may lakas mamayang gabi t'yak na mag-eenjoy tayo at ng mawala naman ang init ng ulo ng ating donyang kaibigan." Ani Mia. Sabay higa na rin sa malambot na kama magkatabi silang dalawa ni Pia sa kama dahil bed lang ang andoon at sa isa si Olivia sa isang bed.
--
Natapos ang ang kasalan kaya umalis na sina Titus, Kim at Karl at umakyat na ang mga ito sa kanilang room at nagbihis dahil sobrang pormal naman ata ang kanilang suot kung hindi sila magbibihis.
"Natapos din." Ani Kim sabay hubad ng kanyang damit at ganoon din sina TItus at Karl, sa kanilang tatlo si Titus ang may pinakamagandang katawan dahil alagang-alaga ito sa gym.
"Saan ang lakad natin mamaya tanong ni Kim sa dalawa.
"Saan pa libutin natin lahat ang magagandang lugar dito at balita ko tuwing gabi ay may live band at maraming magagandang ganap." Ani Karl.
"Iyon ang hanap ko, kaya sure mamayang gabi mabubusog mga mata natin." Ani Kim sabay kindat sa dalawa at alam na nito ang ibig sabihin ng kaibigan.
"Kilala na kita, Kim." Ani Titus sabay hagis kay Kim ang unan na hawak nito. Nakaboxer lang muna si Titus dahil nakasanayan na ng lalakina pag nasa room lang ito ay nakaboxer lang at bakat na bakat ang hanaharap nito. Hindi pa naman iyon matigas ay hindi maikakaila na malaki na.
--
Hapon na nagising si Olivia, at ang dalawa naman ay tulog pa kaya hinayaan muna niya ang mga ito. Pinasya muna niyang pumunta sa terrace at para tingnan ang paglubog ng araw. Kay ganda ng tanawin pag ganong oras na sa lugar na iyon, nakakawala ng problema kaya kahit paaano nakalimutan niya ang kanyang mga problema. Lalu pa sa lalaking gusto niyang makalimutan. Ngunit ang tanong nakalimutan kaya n'ya talaga? Habang nakatayo siya sa labas ay ramdam niya ang pagdampi ng malamig na hangin mula sa dagat parang pakiramdam niya ay kaygaan ng ng kanyang pakiramdam, habang nakatingin siya sa dagat.
--
Dahil ramdam naman ni Titus ang malamig na hangin na humahampas sa kanyang mukha kaya nagising ito ng lingunin niya ang mga kaibigan ay ang sarap ng tulog habang nagdadantayan ang mga hita. Natatawa na lang talaga siya dahil hindi talaga mawawala sa kanyang mga kaibigan ang ganoong posisyon pag sila magkatabi sa pagtulog. Kaya pinasya na lang muna n'yang magpahangin sa labas habang tulog pa ang mga kaibigan.
--
Habang feel na feel ni Olivia ang magandang panahon at tanawin ay napapikit na lang siya para mas damhin pa ang simoy ng hangin parang naiimagine n'yang nasa ulap siya. Pagdilat niya ay nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nakita isang lalaki na naka-boxer lang ang kanyang nakita at saktong sa baba nadako ang kanyang tingin. "Sh*t!" Pabulong niyang bigklas, dahil malaking umbok na nakita nito sa harapan ng lalaki kaya patakbo siyang pumasok sa loob. Hindi na niya nakita ang mukha ng lalaki dahi;l sa baba agad napadaku ang kanyang mga mata. Pakiramdam ni Olivia parang andaming dagang naghahabulan sa kanyang dibdib, ay agad s'yang napainum ng malamig na tubig.
--
Parang ramdam naman ni Titus na may nakatingin sa kanya kanina at biglang puamsok sa loob, or baka gunu-guni lamang n'ya dahil kaggigising lang n'ya kaya napailing na lang siya.
--
Nakahanda na ang magkakaibigang Olivia, Pia at Mia, para bumababa na at makioagsabayan sa party sa baba mas masarap gumala sa gabi.
"Naks talagang ready na ready ah." Pagbibirong sabi ni Pia kay Olivia.
"Naman ako pa ba?" Sagot naman ni Olivia palibhasa sanay na sanay si Olivia sa night party dahil sa ibang bansa ito lumaki at nag-aral kaya wala itong pakialam kung pinagtitinginan siya ng mga tao.
"Ganyan dapat malay natin dito mo makita ang magiging boyfriend mo." Pagbibirong sabi naman ni Mia.
"Aba parang ako lang ang ready ah, mas ready pa nga kayo sa akin eh." Ani Olivia sa dalawa.
--
Halos magtitilian ang mga babae ng makita silang magkakaibigan. Panay naman ang kindat ni Karl sa mga babaeng naduduon.
"Tara doon." Yaya ni Karl kinaTitus at Kim, at tinuro nito ang mga babaing sa tigin n'ya ay sanay na sanay sa ganoong party. Dahil may live band may nagsasayawan inuman sa bandang iyon.
"Tara pagsang-ayon naman ni Kim at nauna pa itong naglakad papunta sa mga babaeng nagkukumpulan. Halatang may kaya sa lipunan ang mga babae. Napapailing na lang si Titus at sumunod na llang sa dalawa kilala na n'ya nag mga kaibigan pag ganitong okasyon.
--
Dahil medyo late na sialng magkakaibigan na bumababa kaya nasa medyong dulo na silang table nakaupo. Agad namang nag order si Mia ng kanilang inumin. Paalingon-lingon naman si Olivia sa kanilang paligid na halos mga lalaki ang mga andoon banda, parang alam n'yang nasa kilalang lipunan din ang mga andoon na ang iba ay may mga ksama pang mga body guard.
--
Kaliwa't kanan naman ang mga babae na nakapalibot kina Kim at Karl si Titus t medyo lumalayo sa mga babae, kahit halos siya ang gusto ng mga babae, hindi naman kasi maikakaila na ang lakas ng karisma ni Titus sa mga babae pero sadyang hindi lang talg siya kagaya ng mga kaibigan na daig pa ang mga batikan pagdating sa mga babae. Kaya tahimik lang s'yang umiinum ng alak habang nakikitang ng kumakanta at nanood ng mga sumasayaw.
--
Mamahaling maiinum ang inorder nila Olivia, dahil hindi ito sanay sa mumurahing wine lang. Nagkaksiyahan ang mga kaibigan habang nakikinig at nanood ng mga nagsasayawan na sa tingin mo ay may mga tama na sa alak. Halos nakarami na rin sila ng nainum kaya nagyaya na si Pia na sumayaw sila pero ayaw ni Olivia, dahil hindi naman talaga siya sumasayaw kay naiwan siya sa kanilang table at uamlis na ang dalawa para makihalo sa mga nagsasayawan. Tahimik lang si Olivia na nanonood sa mga kaibigan na sumasayaw at kinakawayan s'ya ng mga ito at umiiling lang ito ant ngumiti sa mga kaibiagan.
--
Palingon-lingon naman si Titus sa paligid medyo madilim ang lugar dahil nagpalit ng ilaw na sumasabay sa kung ano ang kakantahin ng mga mang-aawit. Malikot ang kanyang mga mata mag-isa na lang siya sa kanilang table dahil nagsisayawan na ang kanyang mga kaibigan kasama ang mga babaeng kanina pa nakapaligid sa kanila. Parang malakas ang kabog ng kanyang dibdib na hindi n'ya alam kung bakit kay palingon-lingon lang s'ya.
--
"Hi." Bati ng isang lalaki na lumapit kay Olivia na nasisigurado siyang, isa ito sa mga lalaking kanina pa panay tingin sa kanya na may kasamang body gurad. Tipid na ngit lang ang sinagot ni Olivia at binawi na agad nito tingin sa ibang direction. Pero dahil medyo nakainum na ang laki kaya medyo makulit nao at panay naman kanchawan ng mga kasama ng lalaki na parang may usapan ang mga ito. Hinawakan nito ang balikat ni Olivia kaya agad nitong tinabig ni Olivia ang kamay at pinagtawanan ng kasamahan ng lalaki.
"Ang arte mo ah' kilala mo ba ako?" Tanong ng lalaki.
"Wala akong pakialam kung sino kapa!" Malakas na sagot ni Olivia sa lalaki.
"Alam kung wala akong boyfriend kaya mag-isa ka lang dito andito naman ako."sabi ng lalaki at akmang hahawakan na naman n'ya si Olivia ay isang malakas na suntok ang natangagap nito mula sa lalaking bigla na lang sumulpot.
"Tarantado ka' huwag na huwag mong mahahawakan ang girlfriend ko kundi hindi lang yan ang matatanggap mo!" Galit na dinuro ni Titus ang lalaki nakakabagon sa lakas ng suntok ni Titus. Napatingin naman si Olivia kay Titus na galit na galit sa lalaki. Agad namang dinaluhan ng mga bodyguard nito ang lalaki at itinayo ito.
"Gag* ka hindi mo ba ako kilala?" Galit na sabi ng lalaki kay Titus.
"Wala akong pakialam kung sino ka dahil kayang-kaya kitang durugin ng pinong-pino paghinawakan mo pa girlfriend ko!" Malakas na sabi ni Titus.
"Nagkakamali ka ng binangga!" galit na sagot ng lalaki.
"Kahit pa sino ka wala akong pakialam kahit sa empyerno pa tayo magkita hindi kita uurungan!" galit na sagot naman ni Titus.
Nakatulala lang si Olivia dahil hindi s'ya makapaniwala sa nakikita na galit na galit si Titus at walang takot itong hinarap ang lalaki kahit may mga kasama ito. Susugurin na sana ng mga tauhan nito si Titus ng biglang inawat ng mga lalaki ang mga tauhan n'ya kaya hindi na ito natuloy.
"Magkikita pa tayo tandaan mo yan!" banta ng lalaki kay Titus na hawak ang duguang panga nito sa sobrang lakas ng pagkasuntok ni Titusa sa kanya.
''Hihintayin ko ang araw na magkikita tayo!" gali na sagot naman ni Titus at tinalikuran na ang mga lalaki at agad nitong binuhat si Olivia.
"Bitawan mo ako pagpupumiglas ni Olivia kahit alam niyang galit pa ang lalaki kanyang nakikita.
"Sige subukan mo pang ibuka yang bibig mo hahalikan kita." seryusong banta ni Titus sa kanya kaya napakapit na lang siya sa leeg nag lalaki kaysa magsalita pa s'ya.