Dahil sa takot ni Olivia, sa banta ni Titus sa kanya kaya nanahimik na lang siya gusto man n'yang tanungin ito kung saan s'ya dadalhin ng lalaki, pero pinili na lang niya na manahimik dahil baka mahalikan nga siya ng lalaki at 'yon ay ayaw na n'yang mangyari pa ulit. Ngunit ang pagdikit ng kanilang mga balat ay walang tutol ang katawan ni Olivia. "Olivia gumising ka!" sa isip nito dahil hindi man lang n'ya kayang itulak ang lalaki dahil ba sa nakainum s'ya at mahina ang katawan n'ya' or gusto talaga n'ya? Tahimik lang si Titus habang buhat siya kung saan sila pupunta or dadalhin 'yon ang hindi n'ya alam.
--
Bumalik naman sina Pia at Mia sa kanilang table ngunit wala na si Olivia kaya naisip nila na nababagot lamang si Olivia sa maghintay sa kanila kaya umalis na ito at nagpasyang gumaala mag-isa kaya hinayaan na lang nila at makita-kita na lang sila mamaya sa hotel.
--
Hinahanap naman ni Kim at Karl si Titus at hindi nila makita ang lalaki sa lugar na iyon kaya buong akala ng ma ito ay gumamit lang ng restroom kaya hinayaan na lang muna siya at nag-eenjoy pa sila sa gabing iyon.
--
Dahil medyo nahihilo na si Olivia kaya hindi na n'ya alam kung saan s'ya dinala ni Titus inaninag n'ya ang lugar kung saan siya nasa isang room siya at hindi nga siya nagkakamali kaya agad na bumalik ang kanyang diwa at akmang buksan nito ang pinto ay siyang pagpasok ni Titus.
"Walang hiya ka bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong ni Olivia kay Titus at at sabay ang paghampas nito nang kanyang mga kamay sa matitipunong dibdib ni Titus.
"Pasalamat ka at ako ang sumagip sayo, dahil kung ibang tao baka may nangyari na sayo kanina pa." sagot ni Titus at hinawakan ang mga kamay ni Olivia na sumusuntok sa kanyag dibdib.
"Wala akong pakialam kaysa ikaw ang makasama ko!" pasigaw na sabi ni Olivia at nagpupumiglas pa rin ito sa pagkahawak ni Titus. Dahil sa hindi siya mapigil ni Titus kaya siniil n'ya ito ng halik, halik na una ay nagpupumiglas si Olivia pero kalaunan ay unti-unti na rin tumutugon si Olivia kay Titus, halik na unti-unting nagpapainit sa kanilang katawan an halikna yon at ay lalung tumagal halos sumasanay na ang kanilang mga katawan, unti-unti nang naglakbay ang kamay ni Titus sa malambot na katawan ni Olivia, halos mapaliyad ito nang naramdaman n'ya ang kamay ni Titus na dumampi sa kanyng dibdib, unti-unting itinaas ni Titus ang maiksing suot ni Olivia, at doon ay malayang gumagapang ang kanyang mga kamay sa malulusog na dibdib ni Olivia halos mapapikit na lang si Olivia sa kiliting kanyang nararamdman na halos mawalan na sya ng balanse kaya dahan- dahan siyang pinunta ni Titus sa kama na kanina pa naghihintay sa kanila. Wala mang karanasan si Olivia sa ganitong pangyayari ngunit para sa kanya at napakadaling matutunan lalu pa't ang lalak na ito ang magtuturo sa kanya. Napahawak si Olivia sa buhok ni Titus ng maramdaman nya ang maiinit na labi ni Titus na palipat-lipat sa kanyang malulusog na dibdib na para bang gutom na bata. Napapaungol na lang si Olivia sa ginagawa n lalaki walang pagtutol ang kanyang katawan, ngunit ang kanyang isip ay kumukontra sa katawan n'ya na nagsasabi mali. Kaya bigla nyang naitulak si Titus at napahiga ito sa kanyang tabi.
"No!" biglang nasabi ni Olivia.
"Why?" tanong naman ni Titus.
"Mali ito mali." ani Olivia at isinuot na nito ang damit na tinanggal ni Titus.
"Anong mali sa ginawaga natin' kaya kitang panagutan." seryosong sagot ni Titus at sinuot na rin nito ang damit.
"Basta mali ito at sana ito na ang huli." ani Olivia at lumabas na ito. Sinunan naman siya ni Titus habang pabalik sa kanilang hotel.
Tahimik lang naglalakad si Olivia nakikiramdam siya bakit sinusundan siya ni Titus baka may balak na naman ito sa kanya pag nangyari 'yon sure na sisigaw talaga siya may mangilan-ngilan pang mga tao sa paligid sinipat n'ya ang kanyang relo ay mag alas- dos na ng amdaling araw at tiyak tulog na ang mga kasama nito at hindian lan nag-abalang hanapin sya? saan na kaya ang mga kaibigan nito. Nasa hotel na kaya at baka lasing na lasing ang mga ito.
"Sinusundan mo ba ako?" taas kilay na tanong ni Olivia kay Titus dahil nasa likuran pa rin niya ito.
"No." dito rin ang daan ko pabalik sa room namin seryuso paring sagot ni Titus.
Kunot noo naman si Olivia sa sinabi ng binata at patuloy ito sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa kanilang pinto. Nagulat si Olivia ng makita niya si Titus na huminto rin ito sa katabi nyang pinto.
"Don't tell me d'yan ang room mo?" tanong ni Olivia dahil sigurado siyang ang lalaking nakita na kahapon sa terrace ay walang iba kundi si Titus.
"Yes, why?" balik tanong ni Titus kay Olivia.
'W-wala." pautal na sagot ni Olivia sabay katok ng pinto ngunit walang sumasagot dahil nasa mga kaibigan nito ang card ng room nila. Ganoon din si Titus panay ang katok nito at wala rin sa kanya ang card ng room nila dahil dala iyon ni Kim kanina. Sabay silang panay katok at tawag ni Olivia sa mga kaibigan ngunit walang sumasagot sa kanila. Nagkatinginan na lang silang dalawa dahil parehas silang hindi pinapansin ng mga kaibigan. Kaya tumawag si Titus sa baba para bigyan sila ng tag-iisang card at sinabi nito ang dahilan.
"Thank you." mahinang sabi ni Olivia kay Titus dahil concern din sa kanya ang lalaki na maiiwan siya sa labas.
Tiningnan lang s'ya ni Titus at may pilit na ngiti ang pinakawalan nito.
Sa isip ni Olivia dahil pa sa nangyari kanina kung kaya ganito ang pakikitungo ng lalaki sa kanya? "Bahala ka d'yan sa isip ni Olivia."
Dumating din ang kanilang card na hinatid ng isa sa mga tauhan sa hotel. Kaya agad namang kinuha ni Olivia ang card na para sa room nila at pumasok na sa loob at ganoon din si Titus.
Nagulat si Titus dahil wala sa loob ang mga kaibigan. At dinig niya ang tili ni Olivia kaya agad-agad siyang tumakbo sa room ni Olivia kakatok pa lamang sana siya ng biglang bumukas ang pinto at saktong napasubsob siya sa dibdib ni Titus at payakap.
"Anong nangyari' okay ka lang?" pag-aalalang tanong ni Titus kay Olivia.
"No, no!, please help me may mga lalaki sa room namin tulog sila kasama ang mga kaibigan ko." pagsusumbong ni Olivia. Agad namang tumakbo papasok si Titus sa loob at tiningnan ang sinasabi ni Olivia dahil maliit na ilaw lamang ang nakabukas kaya binuksan lahat ni Titus ang lahat ng ilaw. At laking gulat n'ya sa nakita.