Chapter 28

2068 Words

Pupungas-pungas na bumangon ako mula sa pagkakahiga sa sahig ng sala para pagbuksan ang kung sinong taong kanina pa kumakatok sa pinto. Kinalas ko ang kandado at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang naiinip na mukha nina Sheki, Barbie, Dean, at Xylca. Hinawi ko ang magulong buhok. "O, bakit?" walang gana kong tanong. Sa halip na sagutin ako ay tuluy-tuloy na pumasok sa loob ang mga kaibigan. Walang salitang nagsimula nilang linisin ang nagkalat na bote ng mga alak sa sahig at mga plastic ng tsitsirya. Si Dean ay tinungo ang kusina. Maya-maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng gripo at ang mga nagpipingkiang plato. Mabigat ang aking katawan kaya humiga ako sa sofa at sinubukang matulog uli. "Pariah, itigil mo na 'to ha. 'Di na nakakatuwa," matigas na untag sa akin ni Barbie. Inalis

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD