"Tahan na Tabz. Tama na please. Kanina ka pa e. Ilang oras ka nang ganiyan. Baka ano pang mangyari sa iyo. Magpahinga ka na muna. Maawa ka naman sa sarili mo. Sige na, please," sunud-sunod na pakiusap sa akin ni Sheki. Hindi ako kumibo at nagtalukbong lang uli ng kumot. Panay pa rin ang iyak ko. Kung kanina ay naibubuka ko pa ang mga mata ngayon ay nakapikit na lang ako palagi. Manhid na ata ang tenga ko sa mga pakiusap nila na tumigil ako sa pag-iyak. Hindi ko kasi magawa. Sa tuwing susubukan kong tumahan ay mas bumabalik ng doble ang sakit. Naiipon sa loob ko at kapag 'di ko inilabas ay baka tuluyan na akong sumabog. Kanina pa nagpaalam sina Xylca at Dean na umuwi. Pagkarating namin ng bahay ay isang oras lang silang naglagi. Umuwi rin sila dahil sa mga responsibilidad na kailanga