FRITS'S P.O.V. Kakatapos ko lang kausapin si Mom. Natutuwa ako sa naging takbo ng plano ko. Siguradong magugulat si Ally sa makikita niya. Pinaghandaan ko talaga ito mula pa kagabi. "Mom, pwede po bang pumasok sa loob ng kwarto niyo?" Tawag ko kay Mommy. Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan ng kwarto ni Mommy. Nakunot ang noo ni Mommy habang nakatingin siya sa'kin. "Anong problema mo anak?" Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Mommy. Saglit kong sinipat ang kwarto niya. Naroon ang mga pictures namin tatlo. Nakadikit din sa dingding ang malaking larawan nila ni Daddy no'ng ikinasal sila. At nakadikit din sa dingding ang malaking larawan ko no'ng Baby pa ako. "Mom, i need your help." Tumabi sa'kin si Mama sa pagkakaupo. "Help? For what?" "Gusto kong surpresahin si Ally." "Bakit? Anong