ALLY'S P.O.V. Pagka-gising ko. Kinaumagahan wala na si Frits sa tabi ko. Tumayo ako para maligo. Inunat-unat ko ang katawan ko. hanggang ngayon Nararamdaman ko pa rin yung pagod kahapon. Nagtungo ako ng C.R upang maligo. mahigit bente minutos siguro ang inilagi ko do'n, pagharap ko sa salamin. Napansin ko ang isang note na nakadikit sa salamin. Kinuha ko iyon tapos binasa ko. "Good morning my Beautiful Girlfriend, i love you." Napangiti ako nang mabasa ko ang sulat, halos pangkaraniwan na iyong sabihin ng mga couples. Gasgas na nga sa iba. Pero para sa'kin, mabenta pa rin. Kasi sa simpleng sulat na iyon. kinilig ako at lalong gumanda ang araw ko. Napansin ko ang pumpun na rosas sa ibabaw ng table. Inamoy ko iyon. May nakalagay na maliit na card sa ibabaw ng mga Rosas. Binasa ko ang naka