ALLY'S P.O.V. Dumadagundog ang hiyawan sa loob ng Gym Stadium ng School. Halos sampung minuto na yata ang nakakalipas ng mag-umpisa ang larong Basketball sa pagitan ng Saint Paul International Academy at ang Weibford Academy, School for the Boys. Tumakbo kami ni Dianne papunta roon, sigurado kasing kanina pa ako hinihintay ni Frits. Kung bakit naman kasi kami pa ang nautusang maglinis ng ginamit naming Classroom late tuloy kami. Pagpasok namin sa loob ng gym nakita namin ang mga tao na tutok na tutok sa panonood. Agad kong napansin ang lamang ng kalaban. Labing limang puntos, kung kaya't halos mag diwang ang School na kalaban nila Frits. Hinila ako ni Dianne malapit sa unahan. Nasa likod lang kami ng Beach ng manlalaro ng Saint Paul, nakita kong nakaupo si Frits sa mahabang bench. Naka