ALLY'S P.O.V. "Are you happy wife ko?" Tanong sa'kin ni Frits habang nasa daan kami. Papunta kami ng NAI airport. Gift kasi ni Mama Faith ay honeymoon sa New york. Pero dahil kailangan naming pumasok sa school para sa mga hinahabol naming mga subject napag desisyunan naming bumalik ng Puerto at doon pansamantalang tumuloy ng ilang araw. Noong nag-punta kami doon. Hindi kami nakapag-enjoy dalawa dahil sa ginawa nilang surprise birthday party. Tumango ako sa kanya. "Sobrang happy." Saglit na hininto ni Frits ang kotse. Nagtaka ako habang nakatingin sa kanya. Hinawakan ni Frits ang mukha ko. Tapos mabilis na dinampian ang noo ko ng halik. "Hindi mo lang alam Ally kung gaano ako sobrang saya ngayon."sabi niya habang nakatingin sa'kin. Sinalubong ko lang ang mga titig niya sa'kin, hindi k