ALLY'S P.O.V. Matamang pinagmamasdan ko ang itsura ko sa malaking salamin. Habang nakasuot ako ng wedding gown. "Dianne, natupad na ang pangarap ko." naluluha kong sabi kay Dianne. Habang nanatili akong nakatingin sa salamin. Mula sa malaking salamin. Nakita ko ang pag-akbay ni Dianne sa'kin, habang nakangiting nakatingin din siya sa salamin. "I can't imagine Ally, na 'yung pinagpa-fantasyahan mo noon. At yung ina-angkin mong sa'yo, makukuha mo pala ngayon." Nakangiti lang ako. Habang nakatingin kami ni Dianne sa salamin, Hanggang ngayon hindi pa rin nag sink-in sa utak ko ang lahat ng nangyari sa buhay ko. Ang pagkawala ng importanteng tao sa buhay ko. Kapalit naman no'n ay ang paglapit sa'kin ng taong pinapangarap ko. Si Frits Santiago, Na noo'y kinasusuklaman ako. Pero ngayon magig