ALLY'S POV Nakaupo kami sa maliit na lamesa ni Frits, habang kumakain sa isang sikat na fast-food chain sa loob ng mall. Dalawang buwan na mula ng maka-recover ako sa pagka-comatose ko,simula noon naging maayos na ang takbo ng buhay ko. "Boyfriend!" Tawag ko kay Frits. Ngunit hindi siya natinag, nanatili siyang nakatitig sa 'kin habang nakahalumbaba, napakunot ang noo ko. Para kasing naka-mighty bond na ang mga mata niya sa 'kin, kulang na lang hindi na kumurap, naiilang tuloy ako. Pinitik ko ang ilong niya sa inis. "Araouch!" Hawak niya sa ilong niya. Tinitigan niya ako. "Wife naman! Ang sakit no'n ah!" React niya. "Arauch ka diyan! Ano ba iyon? Kanina ka pa kasi titig nang titig sa 'kin, kung natutunaw lang ako sa titig mo, kanina pa ako nagtutubig dito." Irap ko pa. "Araouch! Ara