FRITS'S P.O.V. "AAllyy!" Sigaw ko habang walang patid ang pag-agos ng luha ko. "F-Frits!! Hoy! Frits!" "AAlly!" Sigaw ko. Isang sampal ang gumising sa'kin. "Ano gising ka na Frits? " Tanong ni Taya Chedeng sa'kin. "Yaya, Si Ally?" Pawisan ang katawan at mukha ko, basa rin ng luha ang mga mata ko. Kumunot ang noo ni Yaya Chedeng, "Nasa hospital si Ally? Nanaginip ka. Tinatawag mo si Senyorita Ally, umiiyak ka pa nga." Tinitingan ko si Yaya Chedeng. "Panaginip? Totoo ba'ng panaginip lang iyon?" Muling kumunoot ang noo ni Yaya Chedeng,."Sabihin mo nga Frits? Nagka-droga ka ba?" "Yaya, panaginip lang ang lahat? Thanks God, panaginip lang ang lahat ng iyon." Niyakap ko pa si Yaya Chedeng sa sobrang kaligayahan. "Ano bang nangyayari sa'yong bata ka! Pumunta lang ako rito para kunin a