FRITS'S P.O.V. "Boyfriend... Uy! Boyfriend!" Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, antok na antok pa ako ng mga oras na iyon. laking gulat ko sa nakita ko, si Allyson, siya ang una kong nasilayan. Si Ally, nakatayo sa tapat ko. May dala-dala siyang pagkain. Habang nakatingin sa'kin at nakangiti. Agad akong bumangon. "Ally... I-Ikaw ba talaga 'yan?" Ngumiti si Ally. "Ako nga boyfriend, miss na miss na kita." Agad ko siyang niyakap. Hindi ko napigilang umiyak sa balikat niya. Inangat ko ang mukha ko at muli akong tumingin sa kanya. "Sampalin mo nga ako, Wife ko," sabi ko sa kanya. Sumimangot siya sa'kin, tapos biglang ngumiti nang sampalin niya ako. "Ouch!" Masakit ang sampal, ngunit patunay lang ito na hindi ako nanaginip. Tumawa ng malakas si Ally. "Akala ko naman kung an