FRITS'S P.O.V. "Magpapraktis ka ba ng basketball Frits?" Tanong ni Troy sa'kin. Nasa loob kami ng classroom at ina-ayos ang gamit para sa pag-uwi. Kinuha ko ang huling gamit sa table at isinilid sa bag ko. Simula kasi ng na-aksidente si Ally, pinangako kong magsisipag na ako sa klase, kaya pati tuloy ang apat na kaibigan ko naki-gaya na rin sa'kin. "Hindi na muna. Baka magku-quit na rin ako sa paglalaro ng basketball." sabi ko. Naglalakad kami palabas ng room. Kasabay ang apat kong kaibigan. "Bakit naman?" Tanong ni Troy. "Oo, nga, Frits. Bakit ka magku-quit?" Tanong ni Patrick. Huminga ako ng malalim at tinuon ang pansin sa paglalakad. "Gusto ko kasi pagkagaling sa school sa hospital na agad tumuloy para mabantayan ko si Ally." "Pero marami namang nagba-bantay kay Ally di ba?"s