Chapter Three

2683 Words
BUMALIKWAS nang upo si Melody nang maramdaman niya ang presensiya ng paligid. Naudlot ang masama niyang panaginip. Namataan niya ang katrabahong si Natalya na nakaupo sa paanan niya. Hinihilot-hilot nito ang paa niya. “Nagdedeliryo ka kaya minamasahe ko ang paa mo,” nakangiting sabi nito. Lilinga-linga siya sa paligid. Nasa loob na siya ng kuwarto ng apartment nila ni Natalya. Nanaginip siya na nasa loob siya ng isang kuwarto na maraming ahas. Parte rin ba ng panaginip niya ang lalaking nakita niya sa gubat? Ang lalaking nakasama niya sa isang bahay at kanyang nakatalik? “A-anong nangyari?” nalilitong tanong niya. Humibit-balikat si Natalya. “Akala ko napano ka na. Nandito ka lang pala at natutulog,” sabi ni Natalya. “Natulog?” maang niya. Lalo siyang naguluhan. Panaginip lang ba ang lahat? “Oo. Akala namin nakasama ka sa na-ambush noong isang araw. Patay silang lahat. Mga NPA raw ang mga iyon na gusto lang makakuha ng armas.” Nagtataka siya. “Pero kasama naman talaga ako sa na-ambush,” aniya. “Paano ka nasama eh sabi ni Lila naiwan ka sa crime scene kasama ng taga-SOCO department.” “Oo, pero sumama ako sa police mobile dahil may kukunin ako sa istasyon.” “Kung kasama ka, bakit buhay ka pa? Hindi ba sabi mo day off mo ng dalawang araw dahil pupunta ka sa Mactan? Akala ko nga naroon ka pa sa Mactan, eh.” Naguguluhan siya. Hindi niya alam kung ano ang totoo. Panaginip lang ba na kasama siya sa na ambush? Panaginip lang ba na may lalaking tumulong sa kanya? “Aalis muna ako. May lakad pa kami ni Atty. Davis,” ani Natalya saka ito tumayo at lumabas. Hindi na mapakali si Melody. Bumangon siya at tiningnan ang kanang binti niya. Wala namang bakas doon ng kagat ng ahas. Ibig sabihin panaginip lang ang lahat na naganap? Pero bakit makirot ang pagitan ng kanyang mga hita? Hindi siya nakontento, pumasok pa siya sa CR at tiningnan ang kanyang p********e. “Hindi ako nanaginip,” kumpirma niya sa sarili nang malamang hindi na siya berhin. Mayroon siyang nakatalik. Naalala na niya, hnatid siya ng matandang lalaki na tricycle driver mismo sa apartment na iyon. Special trip pa iyon sana pero hindi siya siningil ng matanda. Iyon lang ang naalala niya. Pagod na pagod siya noon, hindi na niya alam ang sumunod na nangyari. Pero ang malaking tanong… sino ba talaga ang lalaking nakasama niya sa bahay? Kung si Gen iyon, dapat nagpakilala iyon sa kanya. Si Gen ang pumasok sa isip niya nang maging normal ang anyo ng bampirang iyon. May kadiliman noon pero base sa bulto ng lalaki at malamlam na mukha, napi-picture out niya si Gen. Lutang pa rin ang isip ni Melody habang nasa trabaho. Hindi na siya bumalik sa field. Nasa opisina na ulit siya. Hinagilap niya ang record niya. Nakapag-day off nga siya ng dalawang araw kinabukasaan noong mangyari ang insidente. Napag-alaman niyang nakaburol pa rin ang apat na pulis na kasama niya noon. Walang naniniwala na kasama siya sa insidenteng iyon. Hindi na lamang siya nagsalita nang may nagtanong sa kanya kung paano siya nakaligtas kung kasama nga siya sa insidente. Ang alam ng mga kasama niya ay umuwi na siya matapos ang operasyon nila noon sa isang crime scene. Ang mga gamit niya na naiwan sa opisina ay si Natalya ang nag-uwi. Makalipas ang isang linggo ay lumipat na ng bahay si Melody, sa bahay house and lot na binili ng papa niya roon sa Talisay. Sila lang muna ng mama niya ang titira roon dahil ang mga kapatid niya ay busy sa trabaho, ganoon din ang papa niya. Matagal na niyang hiniling sa papa niya na doon na sila ulit tumirang mag-anak. Kahit papano ay close na ulit sila ng papa niya. Nagtampo ito noong nagpumilit siyang pumasok sa pagpupulis. Natanggap din nito ang desisyon niya. “Ibinibenta pala ulit ng pamilyang bumili sa lupain ng lola mo sa Mactan, anak,” wika ni Sonia, nang magkasalo na sila sa hapunan. “Talaga ho, ‘Ma?” nagagalak na kumpirma niya. “Oo.” Sinalinan ng ginang ng juice ang baso niya. “Sinabi sa akin ng tito Roman mo noong umuwi siya sa Mactan. Gusto nga sana niyang bilhin kaso ayaw na ng asawa niya. Wala naman daw kasing titira dahil halos lahat ng anak nila ay nag-migrate na sa America.” “Kung may sapat na pera lang sana bibilhin na lang natin ulit,” dehadong sabi niya. Na-miss na talaga niya ang lupain ng lolo niya sa Mactan, kung saan siya nagmulat ng kaisipan. Marami siyang magagandang childhood memories doon. Doon din niya unang nakilala si Gen. “Iyon nga lang, wala tayong apat na milyon. Kasama na kasi ang bahay sa ibinibenta. Kagagawa lang pala ng bahay. Kamamatay lang kasi ng anak ng mag-asawang nakatira sa bahay na iyon.” “Sino ba talaga ang bumili ng bahay na iyon, ‘Ma?” “Ang totoo, ang anak ng mag-asawang Moreles ang nakabili, noong diyese otso anyos pa ito. Ipinangalan lang sa mga magulang niya dahil marami naman siyang properties. Walang asawa si Rona Moreles. Kung hindi lang tayo nangangailangan ng malaking halaga noon ay ayaw sana ng lapa mo na ibenta ng lolo mo ang lupain, kaso wala tayong magiging puhunan sa negosyo.” Naalala niya ang pangalan ng babae, na isa sa bintima ng mysterious killer. “Teka, si Rona Moreles ang namatay noong isang araw na pinatay ng bampira,” aniya nang maalala ang huling insidente ng pagpatay na nai-report sa kanila. “Oo, siya nga. Gusto na lang daw kasi ng mga magulang niya na tumira sa Maynila. Alam mo bang nababalita na kaya lang daw biglang yumaman si Rona ay dahil may nagbigay rito ng mamahaling alahas, kapalit umano ng dangal nito. Aywan ko lang ha.” Napangiwi siya. Mabilis talaga sumagap ng tsismis ang mama niya. “Hayaan n’yo na ang kuwentong iyon, ‘Ma,” aniya. Nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo. “May sinabi pa sa akin ang tito Roman mo,” hirit pa nito. Talang kinuha nito ang atensiyon niya. “Kaya interesado siya na mabili ulit ang lupa ng Lolo mo ay dahil doon daw itinago ni Rona ang ibang alahas sa lupain,” patuloy ni Sonia. Napaisip siya. Ibig sabihin ay may treasure sa lupaing iyon? Bigla siyang nagka-interes sa lupa. Pero sa huli ay binawi niya ang isipin tungkol sa treasure. Gusto niyang mabawi ang lupang iyon dahil doon siya namulat. Gustong-gusto niya ang lugar na iyon magmula pa nong bata siya. Kaya kahit busy ang mga magulang niya ay nagbabakasyon silang magkakapatid doon. Marami siyang magagandang alaala sa lugar na iyon. Pero saan siya kukuha ng apat na milyon? Kinabukasan ng umaga ay sinadya ni Melody sa bahay ng mga ito ang retiradong Tito Roman niya. Retire PNP officer ito sa Talisay at ito ang tumulong sa kanya para makapasok siya sa pagpupulis. Sigurado na siya sa plano na hihiram siya ng pera rito para mabili ulit ang lupain ng lolo niya sa Mactan. “Ang totoo, gusto ko talagang bilhin ang lupa,” wika ni Roman, nang magkaharap na silang nakaupo sa sofa sa sala ng bahay nito. “Kung ayaw po ni tita Rena, baka po kayo na lang ang bumili para naman makakapasyal ako, aniya. “Ayaw na nga ng tita mo. Hindi na nga raw namin naaasikaso ang lupa namin sa Bagiuo.” “E, kung okay lang po sa inyo, hihiram na lang po ako ng pera sa inyo para ako na lang ang bibili,” kiming sabi niya. “Apat na milyon ba?” nanlalaki ang mga matang tanong ni Roman. “O-opo.” Kinapalan na niya ang mukha. Napakamot ng ulo si Roman. “Kaya nga hindi ko mabili ang lupa dahil wala akong hawak na apat na milyon. Hawak lahat ng Tita Rena mo ang pera ko at mga pinapadala ng mga anak namin.” Napakamot din siya ng ulo. Hindi na talaga niya mabibili ang lupa. “Pero meron akong isang milyon na naitabi sa private account ko, Melody. Maipapahiram ko iyon sa iyo tapos ikaw na ang bahala sa iba,” mamaya’y sabi ni Roman, na halos pabulong sa kanya. Napamata siya. “Pero saan ako kukuha ng tatlong milyon?” aniya. “Makiusap ka sa kuya Ruel mo. Humiram ka sa kanya. Malaki rin ang sinasahod niya bilang chief engineer.” “E madamot ‘yon, e. Para sa pamilya niya iyon.” “Babayaran mo rin naman. Malay mo, makuha mo ang treasure.” “Totoo bang may treasure si Rona sa lupaing iyon?” aniya. Nae-excite na naman siya. “Oo. Kaya nga raw pinatay ng bampira si Rona dahil sa treasure na iyon. Hinahanap ng mga bampira ang treasure kay Rona, pero dahil hindi maibigay ni Rona, pinatay na lang nila ang babae.” “Paano n’yo po nalaman?” “Nakausap ko si Atty. Davis, na siyang may hawak sa kaso ng mga bampira. Humihingi siya ng tulong sa akin para mahanap ang treasure na iyon. Kaya sinabi ko sa kanya lahat ng mga koleksiyon ni Rona, mga negosyo at lupain. Ang sabi kasi ni Atty. Davis, may naka-detect daw na mga bampira na nasa ilalim ng lupa ang treasure at narito lang daw sa Cebu.” “Paano kung magka-interes si Atty. Davis na bilhin ang lupa?” nababahalang tanong niya. “Hindi ‘yon. Mga kaso lang ang inaatupag ni Atty. Davis. Hindi iyon interesado sa treasure. Mayaman na siya.” “Sige po, susubukan kong kausapin si Kuya Ruel,” aniya pagkuwan. Tinupad naman ni Roman ang usapan nila. Pinahiram siya nito ng isang milyon at tutulungan siya na mapakiusapan ang mag-asawang Moreles na partial muna ang ibabayad nila sa lupa. Mukhang interesado talaga ito sa treasure na iyon. Nang malaman ng kuya Ruel niya na ibinibenta ulit ang lupain na dati sa lolo nila ay awtomatiko itong nagbigay ng pera para mabili ang lupa. Matagal na rin nitong gustong mabawi ang lupa. Napamahal na rin kasi ito roon. Nagbigay ito ng dalawang milyon. Kulang pa rin. Maging ang oapa niya ay gustong mabili ulit ang lupa para daw gawin nilang resort. Nagbigay din ito ng isang daang libo mula sa kinita nito sa machine shop. Kulang pa rin ng kalahating milyon para mabuo ang apat na milyon. Si Roman na ang dumiskarte. Nang kaharap naman nila ang mag-asawang Moreles ay nanlumo sila nang sabihin ng mga ito na may buyer na ang mga ito at cash pa raw ang ibabayad. “Pero hindi naman po magtatagal ay ibibigay rin namin ang balanse,” apela ni Roman sa mag-asawa. Nasa lobby silang apat nag-uusap habang nagmemeryenda. Ang laki ng bahay na iyon at moderno ang desinyo. Katabi niya sa sofa ang tito nya at katapat nila ang mag-asawa na parehong puno ng alahas ang katawan. Makapal ang makeup ng matandang babae kaya hindi halata ang kulubot sa mukha. “Pasensiya na pero nakapag-oo na kami sa naunang buyer,” wika ng matandang babae. “Pero pabor na lang po sa amin kasi kami naman po ang dating nagbenta nitong lupa sa anak ninyo,” ani Roman. Hindi nakaimik ang mag-asawa. Naudlot na ang usapan nang may dumating na panauhin. Naibaling ni Melody ang tingin sa kararating na lalaki. May bitbit na itim na maleta ang matangkad na lalaki. Simple lang ito suot ang bughaw na polo-shirt at bughaw na faded jeans. Itim na rubber shoes naman ang sapin nito sa mga paa. Titig na titig siya sa mukha nito. May isang dangkal ang haba ng buhok nito sa harapan na nakahabi sa gilid, habang clean cut sa likod at hinati lang sa gitna at may kaunting bangs na minsa’y tumatakip sa magaganda nitong mga mata—na kung tumitig ay wari naghihikayat. Pero ang gustong-gusto niyang titigan ay ang mapipintog nitong mga labi na mamula-mula na bumagay sa matangos nitong ilong. At nang makalapit na ito ay saka lamang niya napansin ang light green nitong mga eyeballs. He’s a foreign national or half-blood. She can’t deny that he has a strong s*x appeal. But he looks a bit familiar, especially his aura. Umupo ang lalaki sa couch na inialok ng mag-asawang Moreles. Tumapat ito sa kanya dahil lumipat siya sa coach. “Siya si Engr. Riegen Franco, siya ang naunang buyer ng lupain,” pakilala ng matandang babaeng Morales sa bisita. Namanghas silang magtiyuhin. “Hindi naman siya iba sa amin dahil siya ang Engineer na gumawa ng mansiyon na ito. Ang totoo, ngayon talaga ang usapan namin na pormal na bibilhin niya ang lupa. Hihintayin na lang namin ang abogado ni Rona.” Hindi na naalis ang tingin ni Melody sa guwapong lalaki. Hindi matahimik ang isip niya. Nang matitigan niya ito nang malapitan ay saka siya nakumbinsi na pamilyar nga ito sa kanya, pero hindi sa ganoong ayos ng buhok at postura nito. Pero naghahari pa rin ang tungkol sa lupa sa utak niya. Hindi siya makapapayag na hindi niya mabawi ang lupa, noon pang may pera sila at nabigyan sila ng pagkakataon? “Pero baka ho kahit kalahati lang ng lupaing ito ay sa amin ninyo ibenta,” hindi natimping apela niya sa mag-asawang Moreles. Hindi nakaimik ang mag-asawa. Malamang hindi alam ng mga ito ang gagawin. “Okay lang naman sa akin na hatiin ang lupa, pero gusto ko sa akin mapupunta ang mansiyon,” mamaya’y wika ni Riegen. Umaliwalas ang mukha ni Melody. Hindi niya pinansin ang pagkalabit sa kanya ni Roman. Wala na siyang pakialam kung anong dahilan ni Riegen at biglang nagbago ang isip nito. Ang mahalaga, may makukuha siyang bahagi ng lupa. Pero sandaling naging abala ang isip niya sa pagkilatis sa boses ng lalaki. Pamilyar sa kanya ang timbre ng boses nito, ang barituno and the accent. “Sige,” aniya pagkuwan. Ang mag-asawang Moreles ay tatangu-tango lang. Hinaklit ni Roman ang balikat ni Melody saka siya hinatak palapit dito. “Dapat sa atin mapunta ang mansiyon, Melody. Nasa mansiyon ang treasure,” bulong nito sa kanya. Hindi niya pinansin ang tito niya. Wala siyang pakialam sa treasure na iyon. Nakipag-deal na siya kay Engr. Franco. Ang gusto lang niyang makuha na bahagi ng lupain ay ang malapit sa kagubatan at pampang ng dagat kung saan nangunguha noon ng perlas ang lola niya. May plano kasi siyang gawin sa gubat. Magpapagawa siya roon ng tree house at fishpond. At ang mahalaga sa kanya ay ang gubat kung saan niya nakilala si Gen. Nasira na ang plano nila ng tito Roman niya. Pero natanggap din naman nito sa huli ang naging desisyon niya. Ibinalik niya rito ang isang milyon nito at pera na lang ng kuya Ruel niya ang ginamit niya. Okay lang naman kay Ruel na kalahati lang ng lupain ang nabili. Wala rin naman itong alam sa treasure. Nang maayos na ang papeles ng lupaing nabili niya ay kaagad niyang pinabakuran ang bahagi nila. Gusto niyang halikan sa paa si Ruel dahil ipinangalan sa kanya ang lupain. Regalo na lang daw nito iyon sa kanya. Isang milyon na lang daw ang babayaran niya rito. Magbabakasyon na lang daw ang mga ito roon. Hindi man napunta sa kanya ang mansiyon ni Rona, sa kanya naman napunta ang native villa house malapit sa karuwagan. May pinasadyang sapa sa paligid ng villa house na may tulay na bato na hinubog na parang kahoy.  Naliligiran ng malalagong halaman na namumulaklak ang villa. Pero plano naman ng Mama niya na gawing resort ang lupain. Masyadong masikip ang space para gawing resort. May tatlong ektarya ang lupain, pero mas malawak ang kakahuyan at hindi patag na lupa. Kung nakuha sana niya ng buo ang lupain ay maaring gawing resort. Doon kasi sa Mactan, malalawak ang lupaing tinitirikan ng mga resort, kaya kung makikipagkompitensiya siya ay siguradong lalangawin ang resort niya. Unang gabi na natulog si Melody sa bagong tahanan ay para siyang kinukulam. Balisa siya at nalipasan na siya ng antok. Alas-dos na ng madaling araw ay mulat pa ang mga mata niya. May duty pa siya kinabukasan. Nang hindi pa rin siya makatulog ay bumangon siya at lumabas. Tumambay muna siya sa veranda, kung saan natatanaw niya ang mansiyon sa kabilang bakod. Sementado ang pader ng bakuran niya at hindi niya makikita ang nagaganap sa kabila, pero ang ikalawang palapag ng mansiyon ay kitang-kita niya. Napamata siya nang matanaw niya ang dalawang lalaki na magkatabing nakatayo sa terrace ng isang kuwarto habang nakatalikod sa kanya. Ang isa ay si Riegen. Nang bahagyang humarap sa kanya ang katabi nitong lalaki ay nagulat siya nang makilala ito. Si Atty. Davis! Napatayo siya. Ibig-sabihin kilala ni Atty. Davis si Riegen? Ano naman ang koneksiyon ng mga ito? Ang alam niya ay ini-imbestigahan ni Atty. Davis ang mga properties ni Rona Moreles. Hindi kaya kasabwat nito sa imbestigasyon si Riegen, kaya ito ang bumili ng lupain? Tumahip ang dibdib niya nang biglang magawi sa kanya ang tingin ni Riegen. Kahit may kalayuan ang mga ito sa kanya ay nararamdaman niya na sa kanya ito nakatingin. Dagli naman siyang tumalikod at pumasok sa kabahayan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD