Chapter Four

2483 Words
NAGTATAKA pa rin si Melody bakit kilala ni Atty. Davis si Engr. Franco. Gustong-gusto na niya itong kausapin nang maabutan niya ito sa crime laboratory kaso naunahan na siya ng hiya. Masyado kasi itong seryoso. Pero nagulat siya nang pagsapit ng tanghalian ay inimbita siya nitong magtanghalian sa isang restaurant kasama si Harold, ang isa sa chemist nila na sumusuri sa mga specimen mula sa crime scene. Hindi maikakaila ni Melody na noong una niyang makilala si Atty. Davis ay hindi siya nakatulog sa kakaisip dito. Ang lakas kasi ng dating nito, bukod sa guwapo at matalino. Pero hindi niya type ang masyadong seryoso at suplado. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang tipo niya sa isang lalaki. Kaya wala siyang sinagot sa mga manliligaw niya noon dahil wala sa mga iyon ang nakahuli sa kiliti niya. Hindi na rin si Lenard ang tipo niya. Si Lenard ang high school crush niya pero wala na iyon. Limang taon na lang graduate na sa kalendaryo ang edad niya. Palagi na siyang natutukso ng mga katrabahong babae na dapat na siyang mag-asawa. Kasehudang mahirap nang manganak kapag nagkakaedad na ang isang babae. Tama lang daw ang adad niyang twenty-five para mag-asawa. Bigla namang sumagi sa isip niya ang lalaking nakasama niya sa isang mala-bartolinang kuwarto na pinamahayan ng ahas. Sigurado siya na hindi iyon parte ng masamang panaginip niya. Nawala ang pinakamahalagang parte ng p********e niya. Imposibleng panaginip kasi ramdam niya at naalala pa niya ang senaryo kahit naliliyo siya noon sa kamunduhan. Nang tumayo si Harold at lumabas ay nagkaroon ng lakas ng loob si Melody na makausap si Atty. Davis tungkol sa natuklasan niya. Hindi naman ito kumakain. Nagbabasa lang ito ng papeles. “Ahm, Atorney, matanong ko lang; kilala n’yo ba si Engr. Franco?” tanong niya. Awtomatiko’y naibaling naman nito ang atensiyon sa kanya. Hindi kaagad ito nakasagot. Ibinaba nito ang binabasa. “Oo. Kaibigan ko siya,” pagkuwa’y tugon nito. “Ah, kaya pala. Nakita kasi kita kagabi sa kabibili niyang lupain sa Mactan.” “Oh, meaning, ikaw ang nakabili ng kalahati ng lupain ni Ms. Rona Moreles?” manghang wika nito. “O-Opo.” “Bakit bigla ka namang nagkainteres na bilhin ang lupa?” tanong nito pagkuwan. “Ano kasi… ang lupaing iyon ay dating pag-aari ng lolo ko. Ibenenta iyon ng mga magulang ko kay Ms. Moreles. Napamahal na rin kasi ako sa lupaing iyon at gusto rin ng pamilya ko na makuha ulit ang lupa. Gusto nga sana namin bilhin ang buong lupain kaso naunahan kami ni Engr. Franco,” aniya, pumalatak na siya. “Eh bakit ho ba interesado si Engr. Franco sa lupa?” pagkuwan ay tanong niya. Bumuntong-hininga si Atty. Davis. “Actually, he loves the place from the time he worked for Ms. Moreles mansion. Mahilig kasi si Riegen sa tahimik na lugar at malayo sa ibang kabahayan. Hindi ko lang maintindihan bakit bigla siyang nagpasya na ibigay sa iyo ang kalahati ng lupa. Katakatakang pumayag siya na magkaroon ng kapitbahay,” anito. Naalarma rin siya sa posibilidad na dahilan ni Engr. Franco bakit ito pumayag na may kapitbahay. “Baka naawa lang siya sa akin,” aniya. “Walang awa ang lalaking iyon,” halos pabulong na wika ng lalaki. “Hum?” Kunwari hindi niya narinig ang sinabi nito. “Ah, well, that’s good for you na nakuha mo ulit ang lupain ng lolo mo. But I’m warning you, mag-iingat ka sa kapitbahay mo,” anito. Seryoso ito kahit mukhang nagbibiro. Nanlaki ang mga mata niya. Sounds alarming. Parang ang samang tao ni Riegen. “Bakit naman?” “Mahilig mag-over the bakod si Riegen.” “Ha?” Hindi siya makapaniwala na kinakausap siya ng ganoon ni Atty. Davis. Ewan niya. Baka tinatakot lang siya nito. Para ano naman? “Don’t mind me. Mabait naman si Riegen, huwag lang siya kakalabitin ng babae sa dibdib.” Natawa siya. “Sino naman ang matinong babae na kakalabitin siya sa dibdib na walang dahilan?” aniya. “Baka kasi magkamali ka.” “Excuse me. Tingin pa nga lang hindi ko na siya matagalan, kakalabitin pa kaya?” “But be aware. Ikaw ang pinakamalapit na babae sa kanya ngayon. Anytime he wants, malalapitan ka niya.” Bigla siyang kinabahan. “Hindi naman ako madalas sa Mactan dahil may trabaho ako. Pupunta lang ako roon kapag day off ko,” sabi niya. Hindi na umimik si Atty. Davis. Pero mariing sumiksik sa kukoti niya ang mga pinagsasabi nito tungkol kay Engr. Franco. Na-curious tuloy siya sa katauhan ng lalaking iyon.   NANAGINIP na naman si Melody tungkol sa isang kuwarto na puno ng mga ahas. Hindi na siya mapakali. Ginamit niya ang araw na walang pasok para mahanap ang bahay na napuntahan niya noon. Ang natatandaan niya noon ay ang pangalan ng kanto kung saan siya nakasakay ng tricycle. Sa Sitio Lingawan iyon. Pagdating niya sa naturang kanto kung saan may paradahan ng tricycle ay kaagad siyang nagtanong sa mga driver na naglalaro ng baraha. Sinabi niya kung ano ang hitsura ng bahay na nakita niya sa labas. “Ah, ‘yong may halong pink na malaking bahay na may dalawang palapag? Iyong malapit sa burol iyon,” sabi ng lalaking nakaputing sando at itim na boxer. “Pink, oo,” aniya. May pink nga siyang nakita na kulay sa ilang parte ng bahay, mostly ay black and white. “Ah, ‘yong mamba house!” sabi naman ng lalaking hubad-baro at maong pants na putol ang manggas ang suot. “Mamba house?” aniya. “Oo. Mamba house ang tawag doon ng mga tao dahil may alagang mga ahas ang may-ari niyon na kung tawagin ay black mamba. Kaya walang nakakapasok basta sa bahay na iyon dahil sa tuwing nakakaamoy ng dugo ang mga ahas ay naglalabasan sila. Puno ng mesteryo ang bahay na iyon. Hanggang ngayon nga hindi pa namin nakikita ang may-ari niyon,” sabi naman ng tibo na driver din ng tricycle. Nakumbinsi siya na ang tinutukoy ng mga ito ay ang bahay na napuntahan niya. Sa kabila ng kaba ay natukso pa rin siyang puntahan ang bahay. Sa tricycle ng tibo siya sumakay, dahil ito lang ang may gustong dalhin siya sa sinasabi ng mga ito na mamba house. Pagdating sa naturang bahay ay pinakiusapan niya ang driver na si Lorna na hintayin na lang siya. Sinamahan pa siya nito mismo sa tapat ng malaking gate. Hindi nga panaginip ang naganap sa kanya. Ang gate na iyon ang nilusutan niya na hirap mabuksan dahil automatic na bumubukas. Si Lorna na ang pumindot sa button ng bell. Pero nakalimang pindot na ito wala pa ring nilalang na lumalabas mula sa kabahayan. “Ang alam ko, lumalabas lang ang tao sa loob kapag kilala nila ang nagdo-door bell,” ani Lorna. “Paano naman nila tayo makikita?” usisa niya. “Siguro may CCTV camera,” anito at lilinga-linga sa itaas ng gate. Ibinaling niya ang tingin sa ikalawang palapag ng bahay kung saang kuwarto siya lumabas noon. Sarado ang bintana ng naturang kuwarto. Baka nga naroroon pa rin ang mga naiwan niyang damit. Sumariwa sa isip niya ang mga kaganapan noong nasa loob siya ng kuwartong iyon. Si Gen na naman ang naiisip niya. Iginigiit niya sa sarili na si Gen ang nakatira sa bahay na iyon, ang lalaking nagligtas sa kanya sa gubat at nagdala roon. “Sandali lang, ah,” ani Lorna at lumapit sa tricycle nito. Kung kailan nakatalikod si Lorna ay saka naman bumukas ang munting gate na para sa tao. Nagulat siya. Wala naman siyang nakitang tao na lumabas mula sa kabahayan. Nag-aalangan naman siyang pumasok. “Oh, bukas na. Kilala ka nga ng may-ari dahil pinagbuksan ka ng gate,” mamaya’y sabi ni Lorna. Natatakot siyang pumasok baka mamaya hindi na siya makalabas. Nang tumingin siya deretso sa main door ng bahay ay namataan niya ang lalaking nakatayo sa pinto na husto lang na nagkasya ang katawan nito sa awang ng pinto. Medyo malayo kaya hindi niya masyadong mamukhaan ang lalaki. “Pumasok ka na,” udyok sa kanya ni Lorna. Gusto lang naman niyang mapatunayan na totoo ang bahay na napuntahan niya at wala siyang balak na pumasok. Hindi siya pumasok hanggang sa sumara na lang ulit ang gate. Wala na ang lalaking nakatayo kanina sa pinto. Nakasara na iyon. Sumakay na lang siya sa tricycle pabalik. Hinahabol niya ang oras para makabiyahe siya patungong Mactan. Mabuti na lang holiday kinabukasan kaya mahaba-haba ang araw niya ng pahinga. Magtatanim kasi siya ng mga gulay at prutas sa bagong bili na lupain. Alas-kuwatro na ng hapon nakarating si Melody sa Mactan. Sa tapat ng gate ng kapitbahay pa siya ibinaba ng tricycle na sinakyan niya. Maglalakad pa siya patungo sa gate ng lupain nila. Pero hindi siya nakaalis sa tapat ng gate ng kapitbahay nang mapansin niyang nakabukas iyon. Napansin niya ang hose ng tubig na bumubulwak pa ang tubig na hindi naman nakatutok sa mga halaman. Naiinis siya dahil sa nasasayang na tubig. Kapag hindi iyon natigil, pupunta sa lupain niya ang tubig at babaha. Nang wala siyang makitang tao ay natukso siyang pumasok at kinuha ang hose ng tubig saka itinutok sa puno ng mga halaman. Pagkuwa’y hinagilap niya ang gripo kung saan nakakonekta ang hose. Natagpuan niya ang gripo sa ilalim ng puno ng narra. Dagli niyang in-off ang gripo. Pero hindi siya nakaalis sa tapat ng malaking puno ng narra. Ang punong iyon ang madalas niyang inaakyatan noong nagtatampo siya sa mga kuya niya. Doon siya nagtatago sa itaas noon. Hindi pa iyon ganoon kalaki noon. Naroroon pa ang butas sa puno, bumabaw nga lang. Binutas niya iyon noon at ipinasok doon ang kabubunot niyang ngipin. Natatawa siya sa tuwing naalala ang mga kabaliwan niya noong bata siya. Malamang nasa loob ng butas na iyon ang ngipin niya. Kinuha niya ang kutsilyo sa bag niya saka kunulikot ang butas sa kagustuhang makuha ang ngipin niya. “Ssst!” Natigilan siya nang biglang may pumaswet sa kanya. Lilinga-linga siya sa paligid. Nang walang makitang tao ay ipinagpatuloy niya ang ginagawa. “Aray!” daing niya nang may kung anong tumama sa likod niya. Itinigil niya ang kanyang ginagawa. Pumihit siya paharap. Napamata siya nang mamataan si Engr. Franco na nakatayo sa gilid ng poste ng garahe. May pinapapak ito na kung ano mula sa hawak nitong mangkok. Nakaekis ang mga paa nito habang nakatingin sa kanya. Wala itong damit pan-itaas at itim na jogging pants ang suot nito pan-ibaba. Nakapaa lang ito. Magulo ang may may dalawang pulgadang mahaba nitong buhok na tila sinuklay lang ng kamay. “Trespassing ka, ah,” nakangising sabi nito. Sumubo ulit ito ng kinakain nito. “Anong kunukotkot mo riyan sa puno, ha?” tanong nito. Ibinalik naman niya sa sisidlan ang kutsilyo at isinilid sa kanyang bag. “May kinukuha lang ako,” matapang niyang tugon. “Ano’ng kinukuha mo? Mata ng puno?” pilyong sabi nito. Tumayo ito nang tuwid kaya masilayan niya ang matipunong katawan nito. Napalunok siya. Hindi kalakihan ang katawan nito pero hitik sa muscles. Naaninag niya ang mapipinong balahibo na nakalatag sa dibdib at puson nito na tila sinadyang makabuo ng imahe ng krus. “Bata pa lang ako ay nakatanim na ang puno na ito. Marami akong memories dito. Minsan na akong nakatulog sa itaas ng puno na ito,” aniya. “Oh? Kaya pala interesado ka sa lupa. Naghihinayang ka ba dahil hindi napunta sa iyo ang bahaging ito ng lupain?” nakataas ang isang kilay na sabi nito. Bumuntong-hininga siya. “Oo, nakakapanghinayang,” aniya. “Ang totoo, gusto ko rin ang puwesto ng villa house. Ako din ang gumawa ng villa na iyon. Meron din akong naging memories sa villa na iyon matapos ko iyong gawin. Palagi akong natutulog doon sa tuwing inaantok ako,” kuwento nito. Humakbang ito isang beses. “Okay lang ba na dalawin ko rin minsan ang villa?” tanong nito pagkuwan. Aywa niya bakit parang nasasabik siya, at the same, kinakabahan nang maalala niya ang mga sinabi ni Atty. Davis hinggil kay Riegen. “Puwede kang pumunta kapag nandito ako,” sabi niya. “So, puwede akong pumunta mamayang gabi?” “M-mamayang gabi?” nautal na untag niya. “Oo. Kapag hindi ka na busy.” “Villa lang naman ang gusto mong bisitahin, ‘di ba?” Ngumisi ito. “Isama na natin ang nakatira sa villa. Ang bastos ko naman kung basta ako pupunta sa villa na hindi pinapansin ang may-ari,” sarkastikong sagot nito. Uminit ang mukha niya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila natataranta siya. Nanlaki ang mga mata ni Melody nang masulyapan ang bracelet na suot ng lalaki, nang suklayin ng kaliwang kamay nito ang buhok nito. Ang bracelet! Nawindang siya. Nang masuklay ang buhok nito palikod ay umaliwalas ang mukha nito. Saka siya nakumbinsi na pamilyar nga sa kanya ang mukha nito, hindi lang niya maalala kung saan niya ito nakita. Kumabog ang dibdib niya. Alam niya may mga katulad ang bracelet niya pero kilala niya ang sa kanya. Bakit meron siyang bracelet na katulad sa ibinigay ko kay Gen noon? Nalilitong tanong ng isip niya. “Gusto mo bang magmeryenda muna? Meron akong nilutong mixed nuts, baka gusto mo,” mamaya’y wika ng lalaki. “Ah, salamat na lang. Pumasok lang naman ako rito para patayin ang gripo mo. Sayang kasi ang tubig,” aniya. “Ah, sindayan ko talagang buksan ang gripo at hayaan na bahain ang lupa. Tuyong-tuyo na kasi,” anito. “Hindi naman lahat ng lupa nababasa. May munting sapa na nga sa tapat ng gate mo at papunta sa lupain ko ang ibang tubig,” sarkastikang sabi niya. Tumawa ito nang pagak. Naiinis siya sa tawa nito. Para kasing nakakaloko. But in fairness, he laugh sexily and seductive. Inirapan niya ito sabay bira ng talikod. “Hey, Melody!” tawag nito na siyang nagpapigil sa kanya. Paano nito nalaman ang pangalan niya? Apelyido lang niya ang ipinakilala niya rito. Hinarap niya itong muli. “What?” tanong niya, may himig ng iritasyon. “I love your name. Sounds lovely and gorgeous as your beauty. May boyfriend ka na ba?” mamaya’y sabi nito. Bigla siyang kinilabutan. “Marami akong boy friends,” pilosopong sagot niya. Bumungisngis ito. “Can I one of them? I mean, puwede mo rin ba akong maging boyfriend? I’m friendly and handsome.” Uminit ang tainga niya. Walang umiihip na hangin pero pakiramdam niya ay mahangin. “Puwede,” pagkuwa’y sagot niya. “Well, boyfriend mo rin si Atty. Trivor Davis, hindi ba?” Tumikwas ang isang kilay niya. “Actually, hindi ko siya friend, katrabaho lang,” pagtatama niya. “Alam mo; marami akong nakilalang pulis na babae na magaganda, pero hindi ko akalain na may mas maganda pa pala akong makikilala,” he flirtatiously said. Sounds cheesy but her heart kept a beat. “Bakit ka nagpulis?” tanong nito. “It’s my first choice,” sagot niya. “Nakabaon ang isang paa mo sa hukay. Torture siguro maging asawa mo. Nandoon na ang selos at pag-aalala,” komento nito. “Kung ganyan ang iniisip mo, huwag mo nang pangarapin na makapag-asawa ng katulad ko,” sabi niya. “But I want to try.” Sumubo ulit ito ng nuts. Noon lang niya nalaman na nuts ang kinakain nito dahil mas malapit na ito sa kanya pero hindi ito lumabas ng parking lot. Binato niya ito ng mahayap na tingin. Pagkuwa’y tinalikuran niya ito. “Puwede ba kitang ligawan, Melody?” kaswal na tanong nito. Pumanting ang tainga ni Melody. Agad-agad? Pakiramdam niya’y may sumiklab na apoy sa paligid niya. Hindi niya napaghandaan ang paghuremnetado ng puso niya. Ano naman ang nakain ng lalaking ito at biglang gusto siyang ligawan? Hinarap niya itong muli. After almost five years, ngayon na ulit may lalaking gusto siyang ligawan. May gustong maligaw sa kanya noon, nagpaalam pa sa kanya pero hindi naman natuloy. Na-missing in action ang lalaki. Naninibago siya at hindi lang basta simpleng lalaki ang gustong manligaw sa kanya, kundi isang hunk, gorgeous engineer. “Don’t say, just do,” bigla’y nasabi niya saka tuluyan itong tinalikuran. Malalaki ang hakbang na umalis siya sa bakuran nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD