GIGIL na kinagat ni Riegen ang kanyang ibabang labi. Nag-uumapaw ang tuwa niya nang bigyan siya ni Melody ng pagkakataon na malapitan ito. Ang lakas talaga ng tama niya sa dalaga. Since he saw her in the crime scene, hindi na ito naalis sa isip niya. Kaya nang malamang interesado rin ito sa lupa ni Ms. Moreles ay walang pag-alinlangang ibinigay nito sa kanya ang kalahati. At least, he’s more closer to her now. Hindi na siya magmumukhang stalker nito na nakamasid dito mula sa malayo.
“Nakita mo na ba ang pendant, Rieg?” tanong ni Trivor nang bigla itong sumulpot sa likuran niya.
Nagulat pa siya. Nakatitig lang kasi siya sa gate kung saan lumabas si Melody. “Ah, gusto mo ng mixed nuts?” alok pa niya rito sa kinakain.
“Pendant ang gusto kong ibigay mo sa akin,” masungit na sabi ni Trivor.
“Hindi pa nga, eh. Ang tagal kasi ni Jegs para ma-detect kung saan banda rito ang pendant,” aniya.
“Ilang araw ka ng narito pero wala kang ginagawa. Mas madalas pa ang pag-aabang mo kay Melody. Sinasabi ko sa iyo, hindi magkakagusto sa iyo ‘yon.”
“Anong hindi? Pinayagan na nga akong ligawan siya,” proud na sabi niya.
Pinitik nito ang tainga niya. “Hangal! Ngayon mo pa naisip manligaw matapos mong makuha?”
Napasintido siya. May pagka-wholesome rin minsan itong si Trivor pero kung tutuusin ay may kalandian din ito sa katawan. Naiinis siya sa tuwing pinupuna nito ang mali niya. He admits that he’s not perfect when it comes to treating a woman, but he knows how to be responsible in his way.
“Triv, you know how careless I am sometimes especially when it comes to women. Mabilis talaga akong matukso sa babaeng nagugustuhan ko. And take note, I didn’t force a woman to have s*x with me. I have my natural s*x appeal that naturally seduced woman,” paliwanag niya pa.
“I didn’t ask for your explanation. Just do your job before I talk to Melody and warn her for your stupidity,” anito.
“Come on, huwag ka namang panira ng moment. Honestly, hindi ko naman planong may mangyari sa amin, kasi… iwan. Siya kasi ang unaang-”
“Because she felt someone’s aura from you and you took advantage of it to touch her,” he cut him off.
Kumibitbalikat siya. “Fine, I’m just out of control. That time, I am trying to avoid her but I’m lost,” depensa niya.
“You’re just naturally horny.”
Umalma siya sa sinabi nito. “Hey! Ako lang ba? Alam kong malandi ako pero kaya ko namang dalhin ang sarili ko when it comes to that.”
“Tama nang satsat! Magtrabaho ka na!” asik nito saka siya tinalikuran.
“Fine. Ang kill joy mo talaga kahit kailan.”
Sumunod siya kay Trivor papasok sa bahay. Nakialam na ito sa kusina niya na wala pang stock na pagkain. Hindi naman siya naglalagi roon kaya hindi pa siya bumili ng ibang gamit.
“Ano’ng balak mo rito sa bahay kapag nakuha na natin ang pendant?” tanong ni Trivor. Kinain nito ang nag-iisa niyang steamed lemon chicken. Kinuha pa niya iyon sa Harley’s resort.
“Tirahan mo naman ako,” aniya.
“Makikain ka na lang kay Melody mamaya.”
Natawa siya. “You know, f**k you!”
“Answer my f*****g question, asshole!”
Sumandal siya sa gilid ng lamesa. “Actually, I don’t have plan yet. Pero kung makakapag-sawa kaagad ako, makikinabang ang asawa ko sa bahay na ito,” sagot niya sa tanong nito tungkol sa bahay.
“Paano ka makakapag-asawa kung isa kang flirt? Chose a woman who is deserving to carry your child and willing to serve you as your wife.”
“Wow ha! Would you tell that to yourself? As far as I know, I didn’t fool a woman. You know that I’m a shy type sometimes,” depensa niya.
Binato siya ni Trivor ng buto ng manok. Sapol siya sa noo, na kaagad niyang kinamot. “Ang savage mo talaga. Kaya takot sa ‘yo ang mga babae, eh,” angal niya.
Naghugas ng kamay sa lababo si Trivor matapos ang kinaing manok. “I don’t care if woman will snob me, I don’t need them,” sabi naman nito.
“Well, let’s say kung o-obra ka kay Karen.”
“I will sleep. Any available room here?” anito saka siya nilagpasan.
“Lahat ng kuwarto sa second floor ay available kaso wala mattress. Next time ay magdadala ako ng kabaong dito para sa ‘yo.”
Hindi na umimik si Trivor. Pumanhik na ito sa second floor. He sighed. His new mission to find the missing pendant of immortality was the most exciting than the previous mission he had done. Well, because of Melody. He was sure about his feelings though it was raw, he can make it deeper.
ALAS-SIYETE na ng gabi ay nagbubungkal pa rin ng lupa si Melody sa likod ng villa para taniman niya ng mga gulay. Nakalimutan na niyang maghapunan. Nagsaing lang siya kanina at may pinatong siyang dalawang itlog sa sinaing para ulam niya. Basang-basa na ng pawis ang damit niya. Naghubad na siya ng t-shirt. Baby bra na lang ang suot niya na kulay puti. Mahilig siyang magsuot ng baby bra kapag nasa bahay lang siya. Hindi naman kalakihan ang boobs niya kaya okay lang. Basa na rin ng pawis ang suot niyang maong short pants na halos hanggang singit niya ang igsi.
Pinupulbo niya ang mga tipak ng lupa gamit ang kanyang kamay. May nahahawakan siyang bulate pero hindi niya iniinda. Hindi naman siya takot sa bulate. Mamaya’y naisip na naman niya ang tungkol sa bracelet na binigay niya kay Gen. Nalilito na siya. Una, nakita niya ang bracelet na iyon sa kuwarto sa mamba house, doon sa lalaking iginigiit niyang si Gen. Tapos naman ay nakita niyang suot ni Riegen ang bracelet. Sino si Riegen? Imposible namang may katulad ang bracelet na iyon na ginawa ng lola niya. Ang isang jade stone na nahalo sa mga perlas ay hugis puso, ang isa ay hugis diamond. Aywan lang niya kung ganoon din ang nasa suot ni Riegen. Assuming na siya masyado.
At speaking of Riegen… “Knock! Knock!”
Bumalikwas siya nang tayo sabay harap sa nagsalitang iyon. Nasa harapan na niya si Riegen. Itim na itim ang kasuutan nito. Itim na kamesita at itim na boxer ang suot nito. Nakalimutan niya na pupunta pala ito roon sa gabing iyon para bisitahin ang villa at—at ligawan siya?
Nailang siya bigla sa suot niya. Hindi pa siya humarap sa lalaking panauhin na ganoon ang hitsura niya, pawisan at haggard.
“Ah, busy pa ako. Puwede mong ikutin muna ang villa,” balisang sabi niya.
“Kanina pa ako nag-iikot dito. Hindi naka-lock ang maliit na gate kaya pumasok na ako. Wala namang sumasagot nang magtawag ako.”
Uminit ang mukha niya. Ibig sabihin kanina pa ito naroon?
“Hindi pa kasi ako tapos sa ginagawa ko, eh. Madungis pa ako at amoy pawis,” aniya.
“May bukas pa naman para sa pagbungkal ng lupa. Isa pa, okay naman ang hitsura mo. Gabi naman at ako lang naman ang nakakakita sa iyo.”
Napalunok siya nang mapansin na panay ang sipat nito sa gawi ng dibdib niya. Ito lang daw ang makakakita sa kanya, eh sino ba ito? Hindi ito basta-bastang lalaki. AT aminado siya na ito ang pinakaguwapong lalaki na nakita niya sa tanang buhay niya, in personal ha. Puwede na itong maging artista o model.
Maliwanag ang ilaw sa bahaging iyon kaya kitang-kita nito ang hubog ng katawan niya. Hinablot niya ang hinubad na t-shirt na isinabit niya sa sampayan saka itinakip sa dibdib niya. Never pa siyang nagka-boyfriend kaya hindi niya alam kung paano makitungo sa lalaki. Though may mga kapatid siyang lalaki, siyempre iba pa rin ‘yong hindi kadugo.
Ngumiti ang mokong. “Sige na, magbihis ka muna,” anito.
“Gusto ko pa sana tapusin ang ginagawa ko,” pilit niya. Ang totoo’y naiilang siya.
“Akala ko ba okay lang na manligaw ako. Gusto mo bang ligawan kita ngayon na ganyan ang hitsura mo?” simpatikong sabi nito.
“Nakaka-turn off ba kung ganito ang hitsura ko?” sabi naman niya.
“Ah, hindi naman. Lumakas ang s*x appeal mo, para sa akin. You look hot,” komento nito.
Lalong uminit ang mukha niya. Pilit siyang ngumiti. “Hot o madungis?” amuse na gagad niya.
Humalukipkip si Riegen at paismpleng sinuyod siya ng tingin. “Come on, kapag gusto mo ang isang bagay, kahit ano pa ang hitsura niyan ay gugustuhin mo pa rin. Kaya lang kasi, hindi ako concentrate kung ganyan ang hitsura mo na haharap sa akin.”
Hindi siya nakaimik. Dinampot niya ang cellphone niya na nasa damuhan saka iniwan sandali ang lalaki. “Hintayin mo ako sa lobby,” aniya habang papalayo rito.
Bumungisngis si Melody habang sinisilip niya si Riegen buhat sa bintana sa kuwarto. Nagsusuot pa lang siya ng pajama. Mula roon ay natatanaw niya ang lobby kung nasaan si Riegen. Parang ignorante na panay ang pitik nito sa tainga ng munting aso na yari sa goma. Nakapatong sa ibabaw ng center table ang munting aso habang ito’y kumakahol. May battery kasi iyon.
“Meaoooow…” sabi pa ni Riegen sa munting aso, parang bata na nilalaro nito iyon.
Hindi na niya napigil ang paghagikgik.
“Melody?” mamaya’y tawag ni Riegen, siguro ay naiinip na.
Nagmadali na siyang isinuot at bulaklakin niyang blouse na terno sa pajama niya. Pantulog niya iyon para pagkalisan ng bisita niya ay matutulog na siya kaagad. Sumubo lang siya ng dalawang kutsarang kanin at isang nilagang itlog. Pagkuwan ay sinamahan na niya sa lobby si Riegen.
“Matutulog ka na ata,” anito matapos suyurin ng tingin ang kabuuan niya.
“Mamaya,” tipid niyang sagot. Umupo siya sa katapat nitong sofa.
“Ayos ang mga gamit na ipinalit mo rito sa villa ah, bumagay naman,” komento nito, habang iginagala ang paningin sa pigid.
Open lang ang lobby kaya pumapasok ang sariwang hangin.
“Salamat,” aniya. Bigla niyang naisip na wala pala siyang stock na pagkain. Hindi pa siya nakapag-grocery. “Ah, pasensiya na wala kasi akong stock na pagkain, wala akong maiaalok sa iyo na sana ay kainin mo,” aniya.
“Okay lang. Hindi naman ako nagugutom.” Ngumiti ang binata. Pinagsupling nito ang mga kamay na ipinatong nito sa mga hita nito.
Awtomatiko’y ibinaling niya ang tingin sa kaliwang braso nito kung saan nakasuot ang bracelet. Tinitigan niya itong maigi. Mayroon ngang dalawang jade stone na nahalo sa mga perlas at hugis puso at diamond. Pagkuwa’y ibinalik niya ang tingin sa mukha ni Riegen. Sinuri niya ang bawat anggulo ng mukha nito. Habang tumatagal ay nakukumbinsi siya na kamukha nito ang lalaking nakita niya sa gubat noong umiiwas siya sa bala ng kaaway. Nakahabi lang patalikod ang buhok nito at siguro dahil halimaw ang nakita niya noong una kaya nahirapan siyang kabisaduhin ang mukha ng lalaki. Medyo madilin din kasi sa lugar na iyon.
“Ang cute ng pendant mo, ah. Saan galing ‘yan?” mamaya’y tanong ni Riegen.
Sinipat naman niya ang suot niyang pendant. Katunayan nang gabi lang na iyon niya ulit isinuot ang kuwintas dahil nag-iisa siya. Naniniwala na kasi siya na life saver niya ang pendant na binigay ni Gen sa kanya.
“Ahm, binigay ito sa akin ng isang lalaki,” aniya sabay tago ng pendant sa loob ng damit niya.
“Sinong lalaki?” curious nitong tanong.
Tumitig siya sa mukha nito. Nahahalata niya ang interes sa tanong nito—na parang may nalalaman ito tungkol sa pendant na suot niya. Natatakot siyang magsabi ng eksaktong detalye dahil malakas ang pakiramdam niya na may koneksiyon ito kay Gen, dahil sa suot nitong bracelet.
“Binigay ito ng ex-boyfriend ko,” pagsisinungaling niya. At kailan pa niya naging nobyo si Gen?
Nanlaki ang mga mata ni Riegen. “N-nasaan na siya ngayon…ang ex-boyfriend mo?” usisa nito.
“Hindi ko alam. Bigla na lang siya nawala noon na hindi pormal na nagpaalam.”
Hindi na nakaimik si Riegen. Nagtataka siya sa biglaang paglaho ng sigla sa mukha nito. Nilalaro nito ang mga perlas sa bracelet na suot nito. Inihahanda niya ang tanong tungkol sa bracelet nito pero bigla naman itong tumayo.
“Ah, babalik na lang siguro ako sa ibang araw,” bigla’y sabi nito.
Tumayo siya. “Bakit?” ‘takang tanong niya.
“Sinisikmura kasi ako. Dahil siguro sa kinain kong mixed nuts kanina,” anito, hinipo pa ang tiyan.
“Sige.”
Walang imik na naglakad na ito patungo sa gate. Hinatid lamang niya ito ng tingin.
Bakit ganoon? Naguguluhang tanong ng isip niya.
Hindi niya maintindihan ang ipinapahiwatig ng kanyang damdamin. Hindi niya maikakailang naghinayang siya sa mabilis na pag-uusap nila ni Riegen. Akala niya ay seryoso na ito at magtatagal sa panliligar pero mukhang nagbago ang isip nito.
Obviously, Riegen was affected about her pretend ex-boyfriend. Parang may alam ito tungkol sa pendant. Hindi na lamang niya iyon pinansin. Gusto pa sana niyang magbungkal ng lupa pero inantok na siya. Pumasok na siya sa bahay at nahiga sa kama. Dalawang kuwarto lang ang meron sa villa house. Malawak ito kahit walang second floor. Sakto lang for vacation house or for small family.
Kinabukasan…
Alas-sais pa lamang ng umaga ay nagtatanim na ng mga buto ng iba’t-ibang gulay si Melody sa likod ng bahay, sa bahaging may binungkal siyang lupa. Bumili siya ng seeds ng talong, okra, sitaw, kamatis at ampalaya. Aliw na aliw siya sa kanyang ginagawa. The best stress reliever ang pagtatanim.
Pagkatapos niyang magtanim ay nag-jogging siya patungo sa pampang ng dagat. Binakuran niya ang hangganan ng lupain malapit sa pampang ng dagat, pero may munting gate roon para kahit anong oras ay makakapunta siya sa dagat. Kung gagawin lang bang resort ang lupain nila ay hindi na kailangan pa ng bakuran, kaso private property na iyon. Pero nagtataka siya bakit hindi man lang pinabakuran ni Riegen ang hangganan ng lupain nito malapit sa dagat. Madali lang itong pasukin ng magnanakaw.
Pagdating niya sa tapat ng lupain ni Riegen ay nagtataka siya bakit may naririnig siyang tila may nagmamartilyo sa mismong mansiyon, na wari may tinitibag na sementadong pader. Sinisira na ba ang mansiyon? Hindi siya nakatiis, lumapit na siya sa mansiyon. Lumipat pa siya sa harapan ng mansiyon at nagtago sa likod ng kotse sa garahe. May narinig siyang tila gumuhong pader.
Bakit nila sinisira ang mansiyon? Sayang naman.
Kumislot siya nang makarinig siya ng boses ng kalalakihan na palapit sa kinaroroonan niya. Nataranta siya. Wala siyang makitang puwedeng pagtaguan na hindi siya makita. Ang bilis ng paglapit ng mga lalaki. Nang malamang hindi naka-lock ang itim na kotse ay pumasok siya at sumakay sa back seat. Kinabahan siya nang makita niya si Riegen na lumapit sa kotse at mabilis na sumakay at umupo sa driver seat. Tinangka pa lamang niyang lumabas ay nai-lock na nito ang pinto. Isinuksok na lamang niya ang sarili sa ilalim ng upuan para hindi siya nito makita.
Umandar na ang kotse at nagmaniobra. Kumabog ang dibdib niya. Saan kaya ito pupunta? Makakarating siya kung saan na wala sa oras. Hindi niya kayang magpakita rito baka pag-isipan siya nito ng masama. Hintayin na lang niyang huminto ito kung saan saka siya bababa. Mabuti may dala siyang wallet. Balak kasi niyang dumeretso sa bayan para mamalengke. Baka sa palengke rin pupunta si Riegen. Nakalibre pa siya ng pamsahe. Mabilis na ang takbo ng sasakyan.
Mamaya’y narinig niya na panay angsinghot ni Riegen, na parang aso na may inaamoy. Hindi na tumigil sa pagkabog ang dibdib niya. Panay ang dasal niya na sana’y huwag itong magkamaling sumilip sa kinaroroonan niya. Lalo siyang kinabahan nang pakiramdam niya’y lumilipad na ang kotse sa sobrang bilis.
Nakatulog na si Melody sa haba ng biyahe. Paggising niya’y nakahinto na ang sasakyan. Tiniyak muna niyang nakababa na si Riegen bago siya sumilip sa labas. Sumilip siya sa bintana. Nagulat siya nang mapamilyar sa kanya ang lugar at bahay. Nakaparada ang sasakyan sa malawak na garahe. Sinubukan niyang buksan ang pinto ngunit naka-lock.
Sinuri niyang maigi ang lugar. Hindi niya makita ang buong bahay pero pamilyar sa kanya ang entrada nito lalo na ang main gate. Hindi siya maaring magkamali, nasa mamba house siya! Tumulin ang t***k ng puso niya. Bakit doon pumunta si Riegen? Ito ba ang may-ari ng bahay na iyon? Humiga siya ulit sa sahig nang bumukas ang pinto pero wala namang pumasok. Hindi naman lumundo ang sasakyan.
Nanlaki ang mga mata niya nang pagtingin niya sa sandalan ng upuan ng driver seat ay may gumagapang na ahas. Isang ahas na black and white na stripe ang kulay nito. Ganoon ang hitsura ng ahas na pumasok sa kuwartong pinagdalhan sa kanya ng lalaking iniisip niya na si Gen, doon sa bahay na iyon mismo.
Napigil niya ang kanyang paghinga nang nahulog sa tiyan niya ang ahas. Kaunting sandali na lang ay hihimatayin na siya dahil sa nerbiyos. Mamaya ay biglang bumukas ang pinto sa kanyang paanan.
“She’s mine, kiddo,” sabi ni Riegen sabay hablot sa ahas.
Nakahinga siya nang maalis sa tiyan niya ang ahas.