NAMANGHA si Melody nang makitang isilid ni Riegen sa bulsa ng pantalon nito ang ahas. Nakalabas pa ang ulo ng ahas sa bulsa nito. Para na rin siyang natuklaw ng ahas dahil hindi na siya makagalaw. Hindi na niya magawang bumangon. Nilamon ng himagsik ang utak niya. Kamuntik na siyang mamatay, kung hindi sa nerbiyos ay sa kagat ng ahas ng demonyong lalaking ito! Akmang lalapitan siya nito ngunit bigla niya itong sinipa sa sikmura. “Ugh! s**t!” daing nito nang tumalsik ito. Bumalya ang likod nito sa isa pang kotse na nakaparada. Nang mahimasmasan ay dagli siyang bumangon at tumalilis ng sasakyan. Ang ahas ay gumapang papasok sa kabahayan. “What the hell are you doing?” paasik niyang tanong kay Riegen. “Ano?” kunot-noong tanong nito. Hinipo nito ang nasaktang sikmura. Dahan-dahan itong tum