KINAPA ni Melody ang kanyang baril sa ilalim ng mesa. Nang makuha na niya ito ay kaagad niyang ikinasa at itinutok ang dulo sa ulo ni Riegen. Nanginginig ang kamay niya, hindi niya makalabit ang gatilyo dahil matigas. Nangatal ang buong katawan niya dahil sa takot. Hindi na si Riegen ang kaharap niya kundi isang halimaw. Umatras siya at tumakbo sa loob ng bahay at sana ay isasara ang pinto ngunit naitulak nito iyon. Tumalsik siya dahil sa lakas ng pagbalya ng pinto. Sinubukan niya ulit iputok ang baril. Naiputok niya ngunit nanlaki ang mga mata niya nang hindi tumama kay Riegen ang bala, nahulog lang iyon sa sahig. Naubos niya ang bala pero walang tumama sa katawan ng lalaki. Dinampot niya ang silya sa tabi niya at ipinalo kay Riegen ngunit hindi nito ininda ang tigas ng silya. Iniwaksi p