BUMALIKWAS nang bangon si Melody nang maramdamang wala na sa tabi niya si Riegen. Alas-nuwebe na ng umaga sa orasan. Hindi na siya makakapasok. Tumawag na lamang siya sa opisina at humingi ng emergency leave at sinabing masama ang pakiramdam niya. Tiyak na magka-memo siya. Sa hitsura pa lang ng bahay ay kulang ang isang araw para maayos at malinis niya iyon. Sa kuwarto pa lang ay hirap na siyang linisin at ayusin. Kailangan pa niyang labhan ang kobre-kama dahil malansa ang amoy, hindi lang dahil sa dugo mula sa sugat niya sa dibdib kundi kung ano pang likidong nagkalat. Hinanap niya ang kumot. Hindi niya makita. “Teka, nasaan ang kumot ko?” tanong niya sa kawlan. Similip pa siya sa ilalim ng kama pero wala roon. Napasarap ang tulog niya at hindi niya namalayan ang pag-alis ni Riegen. Bak