Chapter Nine

2587 Words

HINDI namalayan ni Melody na nakatulog siya. Nang magising siya ay alas-dos na ng umaga. Nagbihis siya ng pantulog saka lumabas ng kuwarto. Nagulat siya nang madatnan niya si Riegen na nakahilata sa sofa sa kama at mukhang mahimbing na ang tuloy. Parang sinukat sa katawan nito ang haba ng sofa, sakto lang. Akala niya ay umalis na ito. Umupo siya sa center table sa harapan nito. Ang kaliwang kamay nito’y nakasayad sa sahig. Hinawakan niya ang kamay nitong iyon saka ipinatong sa kanyang mga hita. Suot pa rin nito ang bracelet.  Napangiti siya. Hindi na siya makikinig sa mga pasaring ng utak niya tungkol kay Gen. Buo na ang loob niya na si Riegen si Gen, kahit pa itanggi nito. Matagal niyang hindi nakita si Gen kaya posible na may nabago sa mukha nito. Bampira rin ito kaya hindi ito tumanda.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD