Chapter Ten

2528 Words

NAMUTLA si Melody nang makita ang kanyang ina na biglang umiksena. Narinig ng ginang ang pag-uusap nila ni Riegen! Hindi pala niya nai-lock ang pinto. “Sino ang lalaking iyan, Melody? Anong kasal ang pinagsasabi niya? At anong kasal na lang ang kulang sa inyo?” walang pakundangang tanong ng kanyang ina habang sumusugod sa kanila. Nabikig na ang lalamunan niya. Naunahan na siya ng takot na baka magwelga ang kanyang ina. “Ah, magandang gabi po, Tita. Ako pala si Riegen Franco, boyfriend ni Melody,” mamaya’y pakilala ni Riegen sa mama niya. Lalo siyang hindi nakakibo. Pakiramdam niya’y idinadarang siya sa nagliliyab na apoy at napipintong hahatulan ng kamatayan. “Boyfriend? Kailan pa?” nanlalaki ang mgamatang tanong ni Sonia sa binata. “Ahm, m-medyo matagal na po,” tugon naman ni Riegen

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD