Chapter 11

2757 Words

NATARANTA si Melody nang sumugod doon sa Talisay ang papa niya kasama ang kuya Miguel niya. Tatlong araw makalipas na mabatid ng Mama niya ang tungkol kay Riegen ay himalang dumulog roon ang kuya niyang halos dalawang taon niyang hindi nakikita. Abala kasi ito sa business nitong furniture shop. Nagpustahan pa sila noon na pagpatak ng edad niya sa byente-singko ay ikakasal na siya. Mananalo pa ata si Miguel. “Hindi pa sigurado na ikakasal ako sa edad ko’ng ito, Kuya. Apat na buwan na lang twenty-six na ako,” sabi niya kay Miguel nang singilin siya nito ng sampung libo na pustahan nila. Katatapos lang nilang maghapunan at kasalukuyan silang nasa sala at nanonoood ng TV. “Sabi ni mama kasado na ang kasal ninyo ng nobyo mo. Hindi na aabot ng apat na buwan iyon,” anito. “Hindi pa nga nakilat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD