NAHULI ng dating si Riegen sa mansiyon ni Dario sa CDO. Nasurpresa siya nang datnan niya roon sina Leandro at Marco. Naroon din si Zyrus at Jegs at iba pa. Nagtitipon ang mga ito sa malawak na bulwagan ng mansiyon. Malamang tungkol pa rin sa pendant ang paksa. “Hindi ang pendant na nakuha ni Riegen sa mansiyon ni Ms. Moreles ang nababasa ng radar ng karamihang naghahanap sa pendant. Paiba-iba ang lokasyon ng isang pendant at minsan ay hindi nasasagap ng radar,” wika ni Leandro matapos siyang hagipin ng mahayap nitong tingin. Kinabahan siya sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Alam ng lahat na isa si Leandro sa makapangyarihang bampira, pumapangalawa ito kay Dario. Kung nagagawa niyang paamuhin ang makamandag na ahas, ito naman ay kayang paamuhin lahat ng mababangis na hayop katulad ng li