NAPAWI ang kaba at pagod ni Melody nang madatnan niya sa bahay nila si Riegen at kausap ng kanyang mga magulang. Mukhang masaya ang paksa ng mga ito dahil panay ang halakhak ng papa niya. Napangiwi siya nang may pinagsasaluhan na namang alak ang mga ito. Mabuti na lang maliit na bote lang ng brandy ang tinutungga ng mga ito. “Oh, anak, kanina pa kita tinatawagan pero hindi ka ma-contact. Nag-overtime ka ba?” bungad sa kanya ng kanyang ina. “Ah, hindi naman po. Niyaya kasi ako ni Ema sa birthday ng anak niya. Lowbat po kasi ang cellphone ko,” aniya. “Oh, heto na si Riegen. Pinag-usapan namin ang kasal. Okay na sa kanya na sa huwis o kaya’y alkalde kayo ikakasal. At gusto niya ngayong buwan na ito gaganapin,” ani Sonia. Napamata siya. Nang tingnan niya si Riegen ay nginitian lang siya ni