ALAS-DIYES na ng gabi natapos ang pagdiriwang ng kasal nila Melody at Riegen. May isang kuwarto roon sa hotel na inilaan para sa kanilang dalawa. Gusto sana ni Riegen ay doon na sila sa mamba house umuwi pero ayaw ni Melody. Galit ito sa mga ahas niya. “Bakit ba natatakot ka sa mga ahas ko? Mababait naman sila. Mas mabalasik pa nga itong ahas sa loob ng pantalon ko,” sarkastikong sabi niya habang kanya-kanya sila ng bihis, habang nakaupo na magkatalikod sa kama. “May kamandag ‘yon, e,” anito. “May kamandag din naman ang itong ahas ko, ah. Pero ang kamandag nito nagiging sanggol,” aniya. Mabilis na tumama sa batok niya ang hinubad na sapatos ni Melody. Ang mismong takong pa naman ang sumalpok sa balat niya. “Aray!” daing niya. “Magsa-shower lang ako,” anito saka pumasok na sa banyo.