GINUPO ng kaba si Riegen nang pagdating niya sa Harley’s resort ay naabutan niya sa restaurant si Melody kasama sa iisang lamesa si Serron. Kailan pa nagkakilala ang dalawa? At anong ginagawa roon ng asawa niya? Alam na ba ni Serron na asawa niya si Melody? Sana hindi pa. Hindi niya nilapitan ang mga ito, sa halip ay ginamitan niya ng mental telepathy si Melody, nang sa gayun ay makuha niya ang atensiyon nito. Awtomatikong nahagip siya ng paningin ng kanyang asawa, habang siyan’y nakatayo sa bukana ng pinto. Nang tumayo ito ay saka naman siya umalis upang mangyari na sundan siya nito. Binagalan lang niya ang paglalakad para maabutan siya nito. Pabebe moves, Rieg. “Rieg!” sa wakas ay narinig niyang tawag ni Melody. Huminto siya sa paghakbang nang nasa garahe na sila. Hinarap naman niya