MAY dalawang linggo nang nakalipat sa Mactan sila Melody. Maayos naman ang naging unang araw niya sa trabaho sa bagong istasyon. Nagkaroon kaagad siya ng mga kaibigan. Hindi naman siya nahirapang mag-adjust. Mas komportable siya dahil gabi-gabi nang umuuwi si Riegen. Kahit sa pagtulog lang sila magkasama ay okay na iyon sa kanya. Kahit pa paggising niya’y wala na ito sa kanyang tabi. As usual, madaling araw pa lang ay umaalis na ito upang magtungo sa CDO. Magmula noong nakalipat na siya roon ay bumalik na muna sa Maynila ang mama niya. Babalik din ito at kasama na ang papa niya. Maghahakot na ng ibang gamit ang mga ito upang doon na titira sa Talisay. Ang sabi pa ni Sonia, dapat daw pagbalik nito ay buntis na siya. Kinabahan naman siya roon. Ang sabi kasi ni Riegen, kapag nabuntis na raw