NAG-FILE kaagad ng annulment si Melody pero kailangan pa ng sesyon sa korte dahil hindi basta pinaniwalaan ng korte ang reklamo niya hinggil sa kanyang asawa. Kailangan niya ng supporting evidence upang maaprobahan ang annulment. Dapat ay nakuhaan niya ng litrato ang pagtataksil ni Riegen pero anong malay niya na mahuhuli niya ito on act? Galit na galit ang mama niya, lalo na ang papa niya at mga kuya. Umupo na roon sa Talisay ang papa niya at gustong sugurin si Riegen pero hindi nito natiyempuhan sa Mactan ang lalaki. Isang linggo na ang nakalipas magmula noong umalis siya sa Mactan. Hindi sumisipot si Riegen sa hearing, malamang dahil umaga ang sesyon. Abogado lang nito ang humarap sa kanila. Gayunpaman ay hindi naman siya nagkaproblema sa kanyang trabaho. Humingi lang siya ng emergenc