ILANG araw nang nakatambay lang si Riegen sa mamba house. Hindi pa siya nagre-report sa CDO dahil alam niyang pagkakaisahan siya ng ibang miyembro dahil sa kapalpakan niya. Nabigo siyang makuha ang pendant kay Melody. Ang totoo, hindi niya maaring hawakan nang matagal ang pendant, o kahit ilapit sa kanya. May orasyon iyon na nagtataboy sa ibang bampira, maliban sa mismong nagpundo ng orasyon. Bigo pa rin siyang makumbinsi si Melody na mali ang akusasyon nito sa kanya. Kahit kailan ay hindi niya ito kayang saktan. Nawawalan na siya ng pag-asa. Mabuti na lang nagawan ng paraan ni Atty. Madrigal ang kaso sa annulment. Magaling ang abogadong pinakilala sa kanya ni Trivor. Nag-requst ng kopya ng CCTV footage ang grupo ni Melody, para doon sa swimming pool ng Harley’s resort, kung saan umano