~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV)
Agad nag-flash and mga camera pagbaba ko pa lang ng sasakyan.
Psh
Lalo pang umiinit ang ulo ko dahil puro na lang couples and nakasabay ko sa paglalakad sa red carpet.
Sinadya kong dumaan sa gitna ng couple na magkahawak ang mga kamay. They had no other option but let go of each other's hands. It felt so good.
"Holding hands pa kayo, magbe-break din naman kayo," mahinang bulong ko.
Hindi na ako nag-abalang tumingin sa camera at dumiretso na ako papasok sa venue. Sumakay pa ako ng elevator and from there mayroon na namang red carpet at marami na namang camera ang nakatutok sa bawat papasok. I didn't bother to do posing. Dumiretso na ako sa loob.
Agad umangat ang sulok ng labi ko nang marinig ko ang ingay sa loob.
Well, I must still have fun kahit hindi ko kasama si Chanel.
"Hello, Mr. Sandoval." Ms. Dee aproched me. Mukhang alam ko na kung anong sasabihin nito. Itatanong niya kung pwede akong mag-perform.
"Of course," agad sambit ko kahit wala pa ang tanong nito.
I like performing and making myself proud.
"I'll play saxophone."
Agad itong napangiti. "I'll give you a cue then."
Maraming babae ang bumati sa akin kahit may kasama pang date ang iba.
Kumuha ng champagne sa dumaang waiter. Hindi ko pa iyon naiinom, sumulpot na si Kade at si Raix sa harap ko.
"Where's your date?" tanong ni Kade.
Hindi ko pa nasasagot dumating pa ang isa nilang kaibigan kasama ang boyfriend niyang nakapulot sa kanya na akala mo naman eh maagawan.
"I thought Chanel will be your date?" tanong ni Halene.
"Psh," Ininom ko agad ang champagne.
"Inindian ka no?" tanong pa nito.
"No, she's just sick."
"Give me back my 100 thousand then. Ang usapan natin magiging date mo siya sa prom, give it back to me."
"Tss, nag-date kami sa bahay nila. Tsaka anong pera? Syempre lumipad na 'yon."
"You're really unbelievable. You still have to pay for it. A deal is a deal. Walang kaibi-kaibigan, remember?"
"Psh, fine, kaya ko nga 'yong bayaran ngayong gabi."
Tumugtog ako ng saxophone nang bigyan ako ng cue. Music is really my comfort. It feels home. When I'm playing different instruments, it always feels right. I feel like I really belong to it.
Sandovals are good singers. I heard dad could also sing pero kahit kailan ay hindi ko pa ito narinig. And I guess we all like music except Klaire.
As usual, they all gave me applause pagkatapos ng performance ko.
Bumalik din ako sa table namin waiting na matapos pa ang ilang performance. I just looked around searching for my victim.
Napangisi ako nang mahanap ko na ang biktima ko. Nang magsimula nang magsayawan ang estudyante sa paligid kasama ang mga dates nila, nilapitan ko na agad ito.
Inakbayan ko siya. "Type mo 'yung naka-pink, no?" Tinuro ko ang babae.
His body immediately reacted at lalo akong napangisi.
"I can help you. She'll be your date tonight."
"R-Really, how?"
"But... you have to pay me. 100 thousand."
"I-I have no cash here..."
Agad kong pinakita sa kanya ang cellphone ko. "You can scan this."
"S-Sigurado ka ba?"
"Tss, oo naman. Ako pa ba?"
Agad akong napangiti nang magsimula itong mag-transfer ng pera sa akin. "Dagdagan mo na ng 10 thousand."
Nang matapos ay agad kong nilapitan ang babae. Agad itong natuwang makita ako.
"Hi... Kurseiv... you look good. Anyway, I liked your performance."
"That's good. I want to say something to you." Lumapit ako rito at bumulong sa tainga niya.
She seemed to like my offer at pumayag agad siya. Kinawayan ko ang lalaki kanina and I let them dance with each other.
Agad kong nilapitan si Halene at agad kong pinakita sa kanya ang laman ng bank account ko.
"I told you," I proudly said.
"Sino na naman naloko mo? Go, pay me."
"10 thousand muna. 4-gives."
She rolled her eyes at me. "Gago."
Nilapitan ko agad sina Brayle. Wala silang date dahil gusto nilang i-date lahat ng magagandang babaeng nakikita nila. Sa tingin pa lang nila mukha na silang mga m******s.
"Nababali na naman mga leeg niyo."
Umiling sa akin ang mga ito.
"That's why I like it here," ani Jaden na unang taon pa lang sa Sanville University.
"Si Kiandre, dude?" tanong ni Brayle.
"Dating his books," I answered.
Kahit kailan ay hindi naman iyon um-attend ng prom.
"Akala ko ba date mo si Chanel?" tanong ni Jaden.
Akala ko rin.
Gavin giggled. "Na-hopia."
Tumawa ang mga ito. "Paano ba 'yan, pinatikhim ka na naman ng putik ni Chanel."
"Psh, isang araw totoong magsasayaw din kaming dalawa sa prom. Itaga sa lahat ng bato."
Gavin chuckled. "Baka maubusan ka ng bato, Sandoval. My sister is different. It's hard to chase her. Kahit anong gawin mo ligawak ka unless she'll fall in love with you. But as of the moment, wala siyang plano sa ganoong bagay. I doubt makakasama mo pa siya sa prom."
I won't stop. Sandoval can always get what they want.
Marami rin akong nakuhang pera sa buong gabi. Madaling araw na nang makauwi ako ng bahay. We had Thursday until Sunday to rest.
I already had a day of rest pero inaantok pa rin ako nang makababa ako ng hagdan. Agad namilog ang mga mata ko nang makita kong pinatay ni yaya ng electric swatter ang lamok. Agad ko itong nilapitan.
"Yaya!" I called her. "Bakit mo pinatay?" inis na sambit ko at lumuhod sa sahig para tiningnan ang lamok. Umuusok pa iyon. Argh!
"P-Pasensya na, sir."
"What's wrong, babe?" mom asked na kapapasok lang din sa living room.
Kinuha ko iyon at dinala sa palad ko.
"Pinatay niya 'yung lamok, mommy. Kawawa naman..."
I heard her soft laugh. "Babe, let's eat. Wash your hands."
"I'll be back!" Agad akong kumaripas nang takbo papunta sa pet house ko. We all have pets except King and Klaire. They hate pets kaya naman hindi kami basta-basta nagpapasok ng pets sa bahay lalo na ang pets ko because they are all insects. But mom was letting me bring my butterflies in the house.
At kung paramihan lang naman din ng pets, ate would be the winner. Lahat yata ng klase ng hayop ay meron siya. Mayroon pa siyang different pet house sa south sa loob pa rin ng bakuran namin kung saan maraming puno.
I don't go there dahil nilagnat ako nang mataas nang unang beses kong makita ang alagang ahas niya.
Nilibing lo sa ilalim ng lupa ang lamok. I would always feel sad kapag nakikita ko silang namamatay.
Since I was young, gustong gusto ko nang makakita ng kahit anong hayop o kahit anong insektong lumilipad.
Agad din akong bumalik sa loob ng bahay at hinugasan kong mabuti ang kamay ko bago ako umupo sa hapag.
"You finally buried your mosquito?" dad asked.
Tiningnan ko nang masama si yaya na nakatayo sa isang gilid. Agad itong napalunok. Humanda ka sa akin mamaya.
"Kuya, mosquito is not a pet nga," said Kal.
"I don't care. I like them."
"Remember when you and ate Chanel were kids? Inaya mo siya sa garden to see your mosquitoes ang then after a week sinugod kayong dalawa sa ospital because of dengue."
Syempre hindi ko 'yon makakalimutan. She looked so weak and pale that time and I don't want to see her like that again kaya nga hindi ko na pinapakita sa kanya ang mga mosquitoes ko.
"I have forgiven them," sabi ko rito.
Mahina itong tumawa. "Ewan ko sa'yo, kuya."
Kinuha ko ang electric swatter pagkatapos ng breakfast. Pinaglaruan ko ang on anf off button no'n at nag-angat ako ng tingin para tingnan si yaya.
Agad itong napahinto at nagsimulang mag-panic lalo pa nang magsimula akong lumapit sa kanya.
She ended up running and I ended up chasing her.
"Yaya! I shouted. "Pinatay no ang lamok ko!"
"Sorry na, sir!"
Nagpatuloy ako sa paghabol rito at nagpatuloy naman ito sa pagtakbo habang umaalog lahat ng bilbil niya.
"Ahhh! Sabi na ngang wag mo silang papatayin eh!"
"Hindi na mauulit, sir!"
"Gagawin kitang porkchop!"
Mabilis na ang pagtakbo ko pero hindi ko pa rin ito maabutan.
Napahinto lang ako nang... nakita ko si Ms. Salvador sa harapan ko.
"Hello, Kurseiv. Nice to see you."
Hinayaan ko ang marahas long paghinga dahil sa hingal. Well, I didn't like to see her.
"W-What are you doing here?"
Ngumiti ito sa akin. "It's your tutor day, remember?"
"H-Huh?" maang ko rito.
"I'll wait for you at the library."
Ugh, damn!
Lumingon pa ito sa akin. "Follow me, okay? Madame President will ask me to report to her after our tutoring session."
Napasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang inis. Gusto ko itong takasan kaya lang ay sigurado lagot na naman ako kay ate.
Hinagis ko ang hawak na swatter sa couch out of frustration.
"Ugh!" Muling daing ko habang papunta sa library.
Umupo ako sa tabi nito.
"Ms. Salvador, bakit ba ang aga mo?" Naka-ngusong tanong ko. "Hindi pa nga ako naliligo."
"Don't worry, you don't have to take a bath. This will only take 5 hours."
Lalo akong napabusangot. Ang tagal kaya ng limang oras. Para akong binibitay sa limang oras na iyon.
Nagsimula na nitong buklatin ang dala niyang libro.
"Can you still remember our topic last time?"
"Nakalimutan mo?" tanong ko. "Ako din."
She chuckled. "No, I'm just asking you."
Bago siya magsalita at magsimula sa discussion niya, pinakita ko sa kanya ang cellphone ko.
"Look, Ms. Salvador, Thursday pa lang ngayon."
Tiningnan nito ang cellphone at umiling. "No, it's Friday."
"Hindi, Thursday," pagpupumilit ko.
"I'm sure it's Friday today."
"Hindi nga, Ms. Salvador, Thursday nga ngayon."
"You've tried that once. Hindi mo na ako maloloko." Nakangiting anito.
"Psh..."
"Here, look ta this. Page 57, Chapter 3." Hindi ako nagbuklat ng libro kaya ito na ang nagbuklat ng libro para sa akin.
"Ms. Salvador,"
"Hmm?"
"Masama talaga pakiramdam ko ngayon. Masakit 'yung paa ko, tuhod, balikat, ulo. Kailangan ko na talagang magpahinga. Paki sabi na lang kay ate masama ang pakiramdam ko, okay?"
"Kurseiv..." tawag nito sa akin pero mabilis din akong tumayo mula sa pagkakaupo.
Nagmamadali akong lumabas ng library. I don't want to study. I hate it! Pupunta na lang ako sa labas at yayain ko sina Brayle na mag-rides.
"Kurseiv," muling tawag sa akin ni Ms. Salvador.
Dumaan ako muli sa living room kaya lang ay napatigil agad ako nang... nakita kong nakatayo roon si ate hawak ang swatter.
I thought... bukas pa ito uuwi.
Agad akong napalunok.
"You should be at the library having your tutoring session at this moment, right?" she asked.
"Ah..."
"Good morning, Madame President," Ms. Salvador greeted her. "Nagpaalam po si Zice, he said he's not feeling well--"
"Huh?" Agad putol ko rito. "Hindi ah, nag-e-exercise lang ako. Excited nga akong mag-aral eh. Let's go now, Ms. Salvador."
Agad akong tumalikod rito ang I just groaned habang pabalik ako sa library.
Nakakalumbaba lang ako habang pinapaliwanag nito sa akin ang nakalagay sa libro. Wala akong naiintindihan sa sinabi niya dahil hinihintay ko lah na matapos ang oras. She made me answer some test papers at kung sinu-swerte nga naman ay kahit isang sagot ay wala akong naitama.
Sakto pang tinawagan siya ni ate at narinig kong binanggit niya ang score ko rito. Ni-loudspeaker niya ang phone niya at narinig ko ang sinabi nito.
"Make him do the test again. Don't let him out until he's not getting the passing score."
"Ahh, ateee!" I shouted. "You don't have to be mean!"
Napasabunot na lang ako sa buhok ko pagkatapos ng tawag. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako.
Kumakalam na ang sikmura ko pero hindi pa rin ako nakakapasa.
Katabi ko na ang printer na patuloy pa sa pag-print ng mga test paper iyon pero hindi ko pa rin nakukuha ang passing score. Ilang papel na rin ang nalukot ko at nakakalat lahat ng mga iyon sa lamesa at sa sahig.
I felt like losing my mind at para bang gusto ko na lang maiyak nang makakuha ako ng 24/50. Isang tamang sagot na lang ay hindi pa ako nakaligtas.
Alas-kuwatro na ng hapon nang nagawa kong ipasa ang test. Mabilis akong tumayo mula sa pagkakaupo without saying goodbye to her at dumiretso agad ako sa kusina. Halos sumabog ang bibig ko sa daming pagkain ang nakapasak sa loob.
Pagkatapos kong lunukin at pagkatapos kong uminom ng tubig ay agad akong sumigaw nang malakas.
"AYOKO NANG MAG-ARAL! AYOKO NA! PATAYIN NIYO NA LANG AKO!"
I just wanted to release my frustration pero ilang sandali lang ay nakita ko na si ate sa entrance ng dining area.
"You want me to kill you?"
Agad akong napayuko nang makita ko ang mga mata nito.
"Hindi po, ate. Ayaw..." agad sabi ko rito. "Hindi na mabiro..." mahinang bulong ko.
"Stop shouting."
Nagpapadyak na lang ak nang nakahiga ako sa ibabaw ng kama ko habang dumadaing sa inis.
I suddenly remember Chanel. Agad akong ngatungo sa loob ng banyo and took a bath. Nagbihis ako nang maayos because I wanted to visit her and ask her kung kumusta na siya.
Dumaan muna ako sa kusina. Kumuha ako ng basket at kinuha ko ang lahat ng klase ng prutas na nandoon. Mas mabuti na iyon para makatipid ako. Inayos kong mabuti ang mga iyon at nilagyan ko pa nang magandang balot.
Duman din ako sa garden para pumitas ng ilang bulaklak.
I was expecting to see her kaya lang ay si tita Chan at tito Gabe ulit ang bumaba para daluhan ako. Nginitian ko pa rin ang mga ito at niyakap silang dalawa.
"Nagdala po ako ng mga prutas at tsaka ng bulaklak para kay Chanel."
"Wow, that's sweet," ani tita Chantal at kinuha ang mga iyon mula sa akin. "Thank you."
"Ah, kumusta po si Chanel?"
"She's good. She's resting kaya hindi na nakababa. Makakapasok na siya on Monday."
Agad akong napangiti. "I'll see her on Monday then, tita. Aalis na po ako."
Tinapik ni tito Gabe ang balikat ko. "Ingat ka."
"Take care, babe," tita Chanty said with smile on her lips.
Huminto ako sa harap ng bahay nila at tinignan ko lang ang silid ni Chanel. Nakabukas pa ang ilaw doon. Maybe she's studying again or reading her favorite books.
Kusang nabuo ang ngiti sa mga labi ko.
I promise... makakasama ko rin siya araw-araw at masasabi ko rin sa kanya lahat nang gusto kong sabihin.