~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV)
Nilagyan ko ng shade ang sagot ko sa answer sheet. Hindi na ako nag-abala pang buklatin ang questionaire.
Tiningnan ko ang mga kaklase ko and they all looked so serious reading and analysing the exam.
Psh.
Nagtinginan sila sa aking lahat nang tumayo ako sukbit ang backpack sa balikat ko.
Dinala ko answer sheet at questionaire sa ibabaw mesa ni Mr. Lasco.
Diretso itong nakatingin sa mata ko kahit pa kinuha niya ang answer sheet sa ibabaw ng mesa.
"You finished the exam in just 5 minutes."
What's wrong with that? Dapat ba 3 minutes?
Inangat nito ang answer sheet ko. Narinig kong nagtawanan ang mga kaklase ko at agad naman akong tiningnan nang masama ni Mr. Lasco.
"Who told you na sagutan mo ang answer sheet sa hugis ng uten?"
Muli pang nagtawanan ang mga kaklase ko and some were even shouting, "Idol!" "Ibang klase ka talaga!"
"Shut up!" Sigaw ng professor namin. "Mind your test papers!"
Muli itong bumaling sa akin na tila ba nagtitimpi. "Mr. Sandoval, take your exam seriously kung ayaw mong ulitin ang klaseng 'to sa pang-apat na beses."
"I took the exam seriously. Sagot ko kaya 'yan. Wala naman akong nakikitang uten d'yan."
"Wag mo akong lokohin, Mr. Sandoval. Look at this. You are only allowed to choose one answer every number."
"Bakit, hindi pwedeng dalawa? Asawa nga pwedeng dalawa, sagot hindi?"
Muli kong narinig ang malakas na sigaw at tawanan ng mga kaklase ko.
Malakas na hinampas nito ang lamesa. "Mr. Sandoval, I will report you. Tatlong taon ka na sa kalse ko at wala kang ibang ginawa kung hindi pataasin ang BP ko!"
I pouted. "Bakit mo ako sinisigawan? Isusumbong kita sa ate ko."
Agad nitong sinubukang kalmahin ang sarili at muling tiningnan ang answer sheet ko seemed stopping himself to crumple it.
Napangiti ako. "I'll go now, Mr. Lasco."
"Mabuti pa nga," mariing sambit nito.
Bago ako umalis, hinalikan ko muna ang kumikinang nitong bunbunan at tsaka ako kumaripas ng takbo. Kamuntikan pa akong tamaan ng lumilipad na libro nito bago ako tuluyang makalabas ng pinto.
My classmates were laughing and most of them were shouting my name na akala mo ay tumakbo ako para sa halalan.
"Kurseiv! Kurseiv! Kurseiv!"
Kumubli pa ako sa isang tabi at binigyan ang mga ito ng flying kiss.
"Quieeeeeet!" Sigaw ni Mr. Lasco at siguradong isusugod na naman siya sa clinic mamaya.
Prente akong naglakad sa hallway habang nakangisi. Mabuti naman at hindi ko na kailangan pang manatili sa classroom na iyon. I hate classrooms.
Pagpunta ko sa cafeteria nakita ko agad si Chanel kaya agad ko siyang nilapitan.
"Chanel!" I called her. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan ako. I smiled at her nang tuluyan akong makalapit. "How are you? Okay ka na ba?"
Tila wala pa rin itong naririnig at nakatingin lang sa menu, naghahanap pa ng pagkaing o-order-in niya.
"Ngayon ka pa lang magbe-breakfast? I'll order for you, libre na kita."
"I can buy my own foods," malamig na sabi nito.
Hindi pa rin nawala ang ngiti sa mga labi ko. "Miss kita..."
I didn't want to hide it because I really did miss her.
Bumaling ito sa akin. Lalo pang lumapad ang ngiti sa mga labi ko. She really looks so gorgeous. She looks like an angel to me.
Gusto ko pa sanang makita ang mga matang iyon kaya lang ay may pumagitna sa aming babae.
"Zice, you said you'll date me, right? Let's have a dinner tonight."
Tumalikod na rin si Chanel at pumunta na sa counter. Susundan ko sana kaya lang ay mahigpit akong hinawakan ng babae sa harapan ko.
"Who the hell are you?" kunot noong tanong ko rito.
"You don't know me? You talked to me last time sa prom. You said you'll date me kapag dinate ko 'yung lalaki tinuro mo do'n sa prom."
Hays... so it was her?
"I was just kidding. I won't date you."
Akmang lalagpasan ko ito pero kinuha niya pa rin ang braso ko. "Zice, I really like you. What should I do para i-date mo rin ako?'
Humugot ako ng malalim na hininga. I really hate some girls, but mom taught me to respect every woman in the universe.
I cupped her face. "You're pretty, okay? But I will only date you kapag Chanel Gabrien Sy Saavedra na ang pangalan mo."
Agad itong napabusangot.
Humakbang ako papunta sa direksyong inupuan ni Chanel pero napahinto ako sa paglalakad nang makita kong may lalaking umupo sa tapat niya.
I was waiting na lumipat siya ng upuan of paalisin ang lalaki katulad ng lagi niyang ginagawa kapag lumalapit ako sa kanya pero hindi niya ginawa.
Unti-unti nang nagsalubong ang mga kilay ko pero humarang si Gavin sa harapan ko na may ngising aso.
"Sigurado akong pinainit mo na naman ang tumbong ni Mr. Lasco kaya maaga ka na naman dito. Ipapatawag ka na naman sa office niyan."
They won't. Nagsasawa na sila sa mukha ko at alam nilang wala naman silang magagawa unless they would escalate it to ate's office. The thing was, they could not escalate their issue to me all the time because Ate would be so mad for bothering her sa mga walang kwentang bagay na ginagawa ko.
"Why isn't she pushing that man away from her?"
Tiningnan nito ang direksyon na masama kong tinitingnan.
Mahina itong tumawa. "That's Leo Perez, artista, crush niya."
Muli akong napatingin kay Gavin. "What?"
Pakiramdam ko ay umakyat agad lahat ng dugo sa mukha ko.
She smirked at me. "You heard me."
Tiningnan ko muli ang lalaki. "Crush niya na 'yan? Ang panget," inis na sambit ko.
"Ngayon mo lang 'yan nakita dito?" He asked. "Iba-iba ang schedule niya lalo na kapag marami siyang shoot at taping."
Napabusangot agad ako. "Why didn't you tell me that she has a crush on someone?"
"Do I have to?" natatawang tanong nito.
"Of course I have to know para nag-artista na lang ako!"
Natatawang inakbayan ako nito. "Kahit mag-artista ka pa kung hindi ka niya gusto, hindi ka niya gusto. Ang gusto ng kapatid ko 'yung tahimik lang, 'yung hindi maingay katulad mo. Gusto niya 'yung may direksyon ang buhay at may interes sa pag-aaral kagaya niya. Mag-matured ka muna, mas matured pa kapatid ko sa'yo eh."
"Psh..."
I couldn't stop thinking of that the whole day. I made sure na tumatak sa isip ko ang itsura ng lalaking 'yon. Pagkatapos ng mga klase ko ay pinanuod ko pa ang ilang pelikula nito.
I laughed sarcastically. "Ang pangit umarte. Umiiyak wala namang luha. Mas magaling pa akong umarte dito eh."
"Syempre, kapag nagmamakaawa ka kay Ate nagiging best actor ka, Master. Iyon nga lang sa sobrang galing mo hindi siya naniniwala sa'yo."
That was really upsetting. I couldn't even see something special to him para magustuhan siya ni Chanel.
Tinago ko rin ang cellphone ko at bumaling kay Brayle. "Huy, Brayle, pahiram naman ng 10 thousand."
"10 thousand na naman? 22 gate ng mansion niyo wala kabng 10 thousand?"
Tumawa nang mahina ang dalawa.
"May sasalihan akong race ngayon, pwede pa akong humabol. Kulang pang registration fee ko."
"Saan 'yan? C'mon, let's go," agad sambit ni Gavin.
"Libre kapag nanalo ka, ha," ani Brayle habang kumukuha ng pera sa wallet niya.
Sa lahat ng anak ng Sandoval, silang dalawa ni Raix dahil isang hingi lang nila rito ay pumipirma na agad ito ng check.
"Mananalo ako," siguradong sambit ko.
Marami nang tao sa lugar nang makarating kami. The race was illegal at mostly nang pinupuntahan kong race ay illegal but it was safe dahil maraming connection ang organizer.
Halos lahat ng sumasali at halos lahat ng nanunuod ay kilala na ako.
Hinintay kong matapos ang countdown at bumaba ang flag bago ko paharurutin ang motorsiklo ko.
Agad akong napangisi.
I really like racing since I was young. Noon pa man hilig ko na ang mangolekta ng mga laruang motorsiklo.
I remember noong una akong regaluhan ni dad ng totoong helmet, naging katabi ko pa iyon sa pagtulog ko.
He supported me, even bought me a real motorcycle after my 7th birthday. Paikot-ikot lang ako sa yard namin and while we were having fun, mom was having panic attack.
I don't usually tell her na sumasali ako sa race dahil ayokong matakot siya at ayokong mag-alala siya. But sometimes I would tell her about my race kapag excited ako ang I couldn't help but tell her na nanalo ako. She was worried but she would always show me that she was happy for me. Hindi naman ito mahirap suyuin, I always know the right spot pwera na lang talaga kapag totoong galit ito. I would just cry and beg her to forgive me.
After all, they were always supporting me. They were always proud of me kahit hindi ako nag-e-excel academically.
Hindi ko rin naramdaman o hindi ko narinig sa kanila na kinumpara nila ako sa mga kapatid ko na lahat ay matalino lalo na kay Kiandre at Klaire. No pressure at all.
And ate, wala naman itong pakialam sa kahit anong ginagawa namin sa buhay as long as it won't affect our parents. Kaya nga kapag may problema kami sa kanya kami dumadaan ang if we could fix the problem with her she would help but if we couldn't, that's when we have to tell mom and dad. And if it's really important na alam nina mom and dad, ate would tell us to tell them.
Dahil anim kami at masyado kaming marami for them to handle, the goal was not to stress them out. And the real stressed was Ate. Hindi ko na mabilang sa kamay ko kung ilang beses ko na siyang binigyan ng sakit ng ulo.
She's cold, she don't give emotions, talagang kamay na bakal, but every time she would help us, we could really feel that she cared for us. Maybe that's the reason kung bakit kahit hindi naman kami lahat malapit sa kanya, we still do love her so much.
Iyon naman talaga ang tinuro sa amin nina mom and dad, love each other boundlessly. Kaya nga kahit matagal ko nang gustong upakan noon si King I really did stop myself because hurting each other would be the most painful to them.
I knew I would win the race.
"Congrats, bro!" agad sambit ni Brayle.
Naging malawak ang ngiti ko sa camera nang kuhanin ko ang trophy ko pati na rin ang premyo ko.
"EZ, 300,000, bro!" ani Gavin and tapped my shoulder.
"Let's drink!" Helix said excitedly.
Nagtungo agad kami sa isang club.
Ngising aso na naman ang tatlo dahil marami na naman silang nakitang magagandang babae. They are younger than me pero mas marami pa silang experience kaysa sa akin. Kung hindi nila ako lasingin, hindi ko magagawang makipag-one night stand sa kahit kaninong babae.
They could handle themselves so well when getting drunk and I couldn't.
"Uy, bro, 'yun yung pinapanuod mo kanina, 'di ba?"
Tiningnan ko ang ang direksyon na tinuro ni Brayle. Nakita ko ang lalaking iyon nakaupo sa counter stool drinking some beer.
Nag-init agad ang magkabilang tainga ko.
Ano naman ang nagustuhan sa kanya ni Chanel?
Wala sa loob na nilapitan ko ito. Simple lang akong tumayo sa gilid nito at sumenyas sa bartender.
"I want your most expensive liquor."
"I got it, sir."
Naramdaman kong tumingin ito sa akin.
Tinikman ko lang ang alak nang ibigay iyon sa akin. Not bad.
Nagbagsak ako ng isang daang libo sa ibabaw ng counter.
"I'll treat this man beside me a drink."
Bumaling ako rito and smirked at him.
I will show him that I'm better than him... and Chanel is only mine.