~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV)
"Kiandre let's go!" I called him sa ibaba ng hagdan kahit posibleng hindi naman ako nito marinig.
Para talaga itong babae kung gumayak. Naunahan pa siya ni Klaire at ni Kal na bumaba ng hagdan.
"Love you, mommy, daddy, I will miss the two of you," narinig kong malambing na sambit ni Kal. I saw her hugged the two of them.
Bumaling din ako sa hagdan nang mapansin kong pababa mula roon si King sukbit ang isang malaking backpack sa likuran niya
Sinundan ko lang siya ng tingin until she hugged mom.
"Take care, babe," mom told him.
Umawang ang mga labi ko. "Sasama ka sa camping? Graduate ka na ah?"
"Syempre, kuya, nandoon si Ate Halene," said Kal.
Tss, para talaga silang mga linta. Araw -araw na nga silang nagkikita at nag-e-exercise hindi pa rin ba sila nagsasawa?
Ako naman ang yumakap kay mom. I hugged her tight and she chuckled hugging me back as well.
"Love you mommy..." I whispered. I cupped her face and kissed her all over her face so many times. Muli itong tumawa nang mahina. "I will miss you. I love you."
"It's just 3 days and 2 nights, babe, but I will also miss you. Take care there okay?" she said while caressing my cheek.
Muli ko itong niyakap nang mahigpit and swayed her. She again chuckled while I was saying I love you to her many times.
"I love you, mommy... I love you forever."
"I love you too."
Siguro sa aming lahat ako ang pinaka-hindi sanay na nakalayo kay mom. Walang buwan na lumilipas na hindi ako tumatabi sa kanila ni dad sa pagtulog kahit isang beses lang. Kapag wala siya lagi ko siyang hinahanap. I also loved to hug her and kiss her and tell her how much I love her at hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko iyon nagagawa.
Maybe some adults are shy kapag malapit ang parents nila sa kanila but me... I loved it when mommy would fix my hair and my clothes in public. I was just so proud she is my mommy.
"What about me?" dad asked.
I giggled and hugged him. "It's your chance, dad."
Mahina itong tumawa. "Of course. No kids around."
Mabuti na rin iyon para may alone time silang dalawa.
Mom said ate had an important meeting to attend pero baka bumista rin ito sa camping site.
Sumakay na kaming lahat sa mini bus.
Inamoy ko agad nag t-shirt ko nang malapit na kami sa Sanville. Ihahatid namin si Kal dahil doon siya sa highschool camping nila sa ibang lugar at we would pick up, Chanel, Gavin, Raix, Brayle, Helix, Halene at Kade.
I thought Chanel would sit beside me, but she sat beside Brayle na noon ay nagawa pa akong ngisihan.
Hays.
Hindi naman naging malungkot ang byahe dahil hindi pa kami nakakalayo ay nagsimula na ang tugtugan. Helix and I played the guitar. Gavin played the beatbox, sinabayan naman namin sa pagkanta si Halene, Kade at Raix.
Masyado lang mahaba ang byahe kaya naman nakatulog na rin kami.
Nagising ako na hindi na umaandar ang sasakyan at nakita kong ako na lang ang mag-isa roon.
Agad ko namang tinignan ang paligid. Marami pang nakapalibot na sasakyan sa paligid ko. Sanvilles' different vehicles. Mukhang nakarating na kami sa camping site.
Kinuha ko agad nag bag ko at bumaba na rin ako agad ng sasakyan. Someone immediately guided me. They gave me a bracelet kung saan nakalagay ang pangalan ko ang number ko at ang team namin.
Hinanap ko agad sina Gavin habang tinitingnan ko na rin ang paligid. Maraming nagtataasang puno sa paligid. Marami ring tuyong dahon pero may parteng halos berde lang ang nakikita ko dahil sa magandang pqgkakatabas ng mga d**o.
Nakita ko rin ang mga ito sa isang parte na kasalukuyang nagtatayo ng tents.
Nilapitan ko si Brayle. "Why didn't you wake me up?"
"Ano bang hindi? We tried to wake you up pero masyado kang tulog mantika. Baka end of the world na tulog ka pa rin. Tulungan mo na kaming magtayo ng tent."
I looked at Chanel, ito ang nilapitan ko para tulungan.
I've done it so many times kaya naman alam ko na kung ano ang gagawin ko.
I did not let her carry something heavy. Parati ko iyong kinukuha mula sa kanya bago pa siya mahirapan.
They called all the teams sa isang malaking open area. Sa malaking projection screen pinakita nila sa amin ang magiging activities sa loob ng tatlong araw at dalawang gabi.
They had different activities every year except hiking and trekking kaya naman nalungkot akong malamang cooking ang unang activity. 10 teams with lowest score would not be allowed to eat their lunch. More dishes, more chances of winning.
They didn't give us anything. Walang lutuan, walang tools, walang iluluto. Napapaligiran naman ng tanim na gulay ang paligid so we had nothing to worry about it.
I just go around the place. Kinuha ko ang sa tingin ko ay pwedeng pakinabangan katulad na rin ng sabi ni Halene.
It was Halene and Chanel who were in charge since silang dalawa lang naman ang marunong magluto.
Gavin and Helix did start to make a fire. Kami naman ang naghugas ng mga gulay.
"Raix!" Halene called her. "Paabot naman ng pechay dito. "Brayle, Kade, Kurseiv, paki dala na dito ng gabi, puso ng saging at string beans!"
Napakamot ako sa ulo ko. Sa dami naming hinuhugasang gulay hindi ko alam kung alin doon ang mga iyon.
"Ano daw?" tanong ni Brayle. "Gabi?"
"What's Pechay?" tanong ni Raix.
"Puso ng saging? Kunot noong tanong ni Kade. "There's no any heart shaped gulay here."
"Bilis!" Sigaw ni Halene. "Masusunog na 'yung lutuan!"
We all panicked kaya kung ano na lang ang nadampot namin at inabot namin sa kanya.
Tiningnan niya iyon isa-isa at napaawang na lang ang mga labi niya.
"What's that? pechay, gabi, puso ng saging, string beans," mariing ulit nito habang nakapamaywang sa harapan namin. "Hindi singkamas, spinach, talong at kamote. Mga Sandovaaaaal! Mga gunggong!"
"We don't cook okay, we have 14 cooks at home with different specialty," taas kilay na sambit ni Raix.
"We have 10," sagot naman ni Kade.
"Basta masarap magluto mommy ko," depensa ko dahil hindi ko alam kung ilan ang cook sa bahay namin.
"Argh! Helix!"
"Ate?"
"Nasaan na 'yung pinakuha ko sa'yong moringa?"
"Eto, ate," Nilabas nito ang isang gulay na hawak.
Halene almost cried. Agad niyang binatukan si Helix. "Isa ka pa, gunggong!"
"Sorry na, ate, alam mo naman hindi rin ako kumakain ng gulay."
"Tsaka anong gagawin ko sa mga 'yan? Iluluto ko nang buo?"
"Hihiwain ko na, anong hugis? Triangle?" I asked na lalong ikinasama ng mukha nito.
Bumaling ito kay King na nasa tabi niya. "Love, can you get everything I said earlier?"
"I... don't know all of that."
Napapikit na lang ito nang mariin. "I really hate all of these Sandovals," nagngingitngit na sambit nito. "Hindi ba kayo nag-elementary? What about bahay kubo?"
Kulang na lang ay saksakin niya kaming lahat ng kutsilyo. Sinubukan namin iyong kantahin ni Brayle habang nire-research ang mga gulay na sinabi niya kanina.
"Psh, hindi ka talaga maasahan," mahinang bulong ko nang paulit-ulit itong nagtanong sa akin kung tama Ang lyrics ng kanta niya.
Kahit paano ay umabot kami sa oras and even we did not top, at least pasok kami and we were allowed to eat our lunch. Kumain kaming dalawa ni Brayle sa loob ng tent dahil puro gulay ang niluto ni Halene at ni Chanel. I wanted to taste the food Chanel cooked but I really hate vegetables.
We also did have more activities that we enjoyed to do. We forced Klaire to join dahil first time niyang sumama sa camping ng college since first year pa lang niya sa Sanville. Just like ate, she enrolled in two courses, psychology as her pre-med course and the other one is Entrepreneurship just like ate.
Napagod kami sa lahat ng activities buong araw pero nagawa pa naming kumanta pagsapit ng gabi.
Bumuo kami ng isang malaking bilog at sa gitna mayroong bonfire. Nilabas nina Helix ang mga nakatagong alak na nakalagay sa bottle ng juice and we started drinking while singing.
It was always fun to be with them. Kahit lagi kaming nag-aasaran, pare-parehas pa rin ang gusto naming gawin. Just have fun.
Hindi ko pa rin maiwasang tingnan ang babae sa tapat ko. I could always feel my heart moving whenever I would see that face. She was the only one who could give me different feelings.
Ibang-iba ang dating sa akin ng tinig niya. Sounds so good in my ears. She was like bringing me to heaven's gate.
I smiled. Ganda... ganda ng future ko.
Maaga rin kaming gumising kinabukasan for the hiking.
I knew my sister would a approve a great place. The place was superb. Sigurado ako na nabisita niya na iyon bago pa kami.
Kinuha ko ang kamay ni Chanel nang kailangan na naming tumawid ng sapa. She also needed help kaya naman kahit gusto niyang bawiin ang kamay mula sa akin ay hinayaan niya na lang ako.
Binawi niya rin iyon sa akin pagtawid sa sapa.
We had our own tour guides. Dahil malawak ang bundok, sa ibang trail dumaan ang iba.
"Chanel, dito," I said and tapped the big stone pagkatapos ko iyong linisan para hindi siya marumihan.
Umupo ito roon at nagsimulang isuot ang socks niya. Mukhang nahihirapan siya dahil hindi niya ibinaba ang bag niya kaya naman umupo ako sa paanan niya para tulungan siyang isuot ulit ang sapatos niya.
"Kurseiv..." she called me at akmang pipigilan ako pero kinuha ko na ang binti niya at sinuot sa kanya ang sapatos niya.
I made sure na naitali ko ang mga sintas niya nang maayos. Umangat din ako pagkatapos.
"Gusto mo ako nang magbuhat ng bag mo para hindi ka na mahirapan?" I asked her.
"I can manage," malamig na sabi nito at nagsimula nang humakbang palayo.
Nagmadali ko namang sinuot ang sapatos ko.
"Zice! Tara na! Ang tagal mo!" Brayle shouted.
Nagsimula na kaming umakyat ng bundok angñd the tour guide said that it would be tough. Hinabol ko agad si Chanel.
"Chanel!" I called her. "Ingat ka ha!" sigaw ko dahil makitid lang ang daan at hindi ko na siya basta-basta mahahabol.
"Ka-sweet naman," pang-iinis ni Helix.
"Tss, itulak kita d'yan eh."
Kahit may katagalan ay naabutan ko pa rin ito. Gavin was in front of her and I was at her back. Alam ko naman na hindi siya pababayaan ni Gavin. He was always treating her like a princess.
Pagkatapos ng halos isang oras ay huminto na muna kami at nagpahinga.
Agad kong inabutan ng tubig si Chanel.
"I have mine," simpleng sabi nito at kinuha ang sarili niyang tumbler. I just smiled at her. Nakatali ang buhok niyang lagpas balikat ang haba. Lalo kong nakita ang maliit na hugis ng mukha nito at kahit puno na ng pawis, she still looked good.
Nakita kong nasisinagan siya ng araw kaya naman tiningnan ko kung saan iyon nanggagaling at hinarangan ko iyon. Muli akong napangiti. I would really do anything for her.
Sabay-sabay kaming humugot ng malalim na hininga nang makarating kami sa tuktok ng bundok. The sweat and body pain were all worth it.
Malakas ang hangin sa taas at napaka-ganda ng view. Tanaw na tanaw ang malawak na karagatan sa ibaba at ang ilan pang nakapaligid na bundok sa paligid.
Nang makarating ang lahat sa itaas, nagsimula na kaming magtanim ng iba't ibang klase ng puno sa paligid. As usual, it was 20 trees per students. Ate loves nature so much. Halos lahat ng activity ng Sanville was eco related.
Sa loob ng isang buwan hindi ko mabilang kung ilang beses ako makapagtanim ng puno.
We had to fix and build our tents again dahil sa tuktok ng bundok kami magpapalipas ng gabi.
Nagkaroon pa ng iba't ibang activities that made everyone feel so tired. Hanggang sa pagsapit ng gabi at mayroon pa ring activities habang ang iba at tulog na sa sobrang pagod. Kiandre joined the activity since it was about astronomy and constellation. Nanggulo lang ako sa laro nila dahil gusto ko lang sumilip sa telescope.
Tiningnan ko sina Gavin na naglalaro ng card games. Hindi ko nakita ang dalawang hindi nagsasawa sa isa't isa. Siguradong nasa loob ng tent nila at iba ang nilalaro.
Humanap muna ako ng pwesto to pee so I could join them after. Hindi ko pa nabubuksan ang zipper ko, napansin ko na agad ang maraming fireflies sa paligid.
Umapaw agad sa tuwa ang dibdib ko because I really like seeing anything flying. And they have lights... they made me like them even more.
Pumasok agad si Chanel sa isip ko at nagmadali akong puntahan siya sa pwesto nila kanina.
"Chanel!" I called her. "I will show you something!"
Kinuha ko ang kamay niya patayo sa pagkakaupo at agad siyang hinila papunta sa direksyon pinupuntahan ko kanina.
"Zice, ano ba."
"You'll like it!" I said excitedly.
"Zice, let go of me."
Hindi ko siya binitiwan hanggang sa hindi kami nakakarating sa lugar. We both stopped nang tuluyan ko nang makita ang mga iyon and I was happy dahil mas lalo pa silang dumami.
I was just amazed and I knew she felt the same way.
She also likes them... she likes butterflies, dragonflies, fireflies, except my mosquitoes. Kaya kapag nakikita ko ang mga iyon, siya taas ang pumapasok sa isip ko.
Nararamdaman ko na naman ang kakaibang kabog sa dibdib ko habang nakatingin sa bahagyang ngiti sa mga labi nito at kung paano mag-reflect ang liwanag ng nga alitaptap sa mga mata nito. Damn... so perfect.
Inangat niya ang kamay niya sa ere ang tried to gently touched them.
Hindi na nawala ang ngiti sa mga labi ko. Kinuha ko ang isa at marahan iyong kinulong sa mga palad ko.
Lumapit ako sa kanya at inangat ang nga palad ko kung saan nakakulong ang alitaptap. She looked at it and I slowly opened it.
Sinundan niya iyong ng tingin hanggang sa tuluyang lumipad. I just also watched it fly.
"I will always... want to see them with you." Bumaling ako sa kanya habang nakatingin pa rin siya roon. "Chanel... I will court--"
"Hindi kita gusto." She immediately cut me off at bumaling sa akin na walang kahit anong emosyon sa mga mata. "And I will say that again if you will say the same thing again."
Tumalikod na rin siya sa akin at nagsimulang humakbang palayo.
Ilang beses ko na iyong narinig at sanay na akong marinig... it was just that... hindi pa rin sanay ang pakiramdam ko.
Those words were still giving me pinch in my chest.
"H-Hindi kita--" I wanted to shout it to her pero tila hanggang doon lang ang tinig ko. "susukuan."
Tuluyan na itong nawala sa paningin ko and damn, those few words were still in my head, playing...
"Hindi kita susukuan..." mahinang bulong ko.