Chapter 7

1930 Words
~(ZICE KURSEIV SANDOVAL POV) Nagising ako na tirik na ang araw. Inangat ko agad ang kamay ko para harangan ang sinag no'n dahil nakabukas ang tent. May naririnig din akong mga ingay sa paligid. Kinusot ko lang ang mga mata ko at lumabas na rin ako. Tila ba may hinahanap ang mga ito. Hinanap agad ng mga mata ko sina Halene pero hindi ko nakita ang mga ito. Wala ring mga tao sa mga tents nila kaya naman nagtanong na lang ako sa lalaking nakita ko. "Where are the people here?" "Ah, may bago kasing activity, we're finding different stuffs. Ang team na makakahanap ng pinaka-maraming nakatagong bagay ang mananalo." Psh... Iniwan na naman nila ako? Nagpaikot-ikot lang ako sa paligid trying to find them. Nakita ko naman agad si Helix. Ang sabi niya naghiwa-hiwalay sila ng direksyon para mas marami silang mahanap. "Napansin mo ba si Chanel?" Ngumisi ito sa akin. "Nandiyan, nakita ko pumunta sa direksyon do'n." Sinundan ko ng tingin ang tinuro nitong direksyon. I admit, it was really annoying kapag nakikita ko si Halene na parating nakasunod at parating nilalapitan si King noon, but she was right. I should be the one na nakakaintindi sa kanya dahil ganoon din naman ako. Hindi ko alam, basta ang alam ko si Chanel lang ang gusto ko simula pa noon. I always wanted to see her. Malayo na rin ang nalalakad ko nang makarinig ako ng tila ba isang malakas na hampas. Kasunod no'n ay ang mga tinig. "Ano ha? Don't look at me like that, Nerd!" Wala sa loob na sinundan ko ang tinig hanggang sa makita ko si Jessy, the known singer and dancer in the campus kasama pa ang ilang mga kaibigan niya. Tila ba may kausap ang mga itong tao na naka-kubli sa likod ng puno. "Your mother is a known designer in the country but you are old-fashion. Yikes. Where are you going?" Nakita kong kinuha niya ang braso ng kausap. Kumunot agad ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang braso na iyon. "Wag kang aalis kapag kinakausap pa kita!" she shouted at her and pushed her. Noon ko lang nakita ang mukha ng taong nakakubli sa puno nang bumagsak ito sa lupa. "Hey!" agad sigaw ko sa mga ito. Napatingin agad silang lahat sa direksyon ko na tila ba gulat na gulat. Agad kong nilapitan si Chanel. Kinuha ko agad ang pisngi niya at hinarap siya sa akin. "Damn..." I cursed when I saw blood on her lower lip. Nakaramdam din agad ako ng pag-iinit sa dibdib ko nang nakita kong may galos ang binti niya. Agad nagtangis ang mga bagang ko. I stood up and glared at Jessy. "What the hell is wrong with you?" She raised an eyebrow. "Nothing." Akmang aalis ito pero marahas kong kinuha ang braso niya. "I was taught to respect women but if you would disrespect my girl, I wouldn't hesitate to do this." Marahas ko siyang tinulak at agad siyang napadaing nang bumagsak siya sa lupa. "How dare you!?" she shouted at me. Muli akong bumaling kay Chanel at tinutulungan siyang tumayo. "Ayos ka lang--" Akmang hahawakan ko muli ang pisngi nito pero tinabig niya ang kamay ko. Tumalikod na rin siya sa akin at humakbang palayo. I didn't take my eyes off her hanggang sa nawala siya sa paningin ko. Muli akong bumaling kay Jessy. I managed to smile at her. "You know... I can be nice." And I glared at her. "But I can be your worst enemy. Everyone knows that." Isa-isa kong tiningnan ang mga ito bago ko sila talikuran. Hays. I hate people hurting people I love. Binilisan ko ang hakbang ko para masundan ko si Chanel. Halos magkasunod lang din kami nang makabalik kami sa tent. "May nakuha ba kayong-- OMG!" Agad tumayo si Halene mula sa pagkakaupo at agad nilapitan si Chanel. She held both her shoulders. "What happened to you?" Agad din binitiwan ni Gavin ang mga dalang gamit at agad nilapitan si Chanel. "What happened? Okay ka lang ba?" Humugot ako ng malalim na hininga. "It was Jessy and her friends." "What?" Agad sambit ni Halene. "That bitch..." Kade whispered. "Where is she?" agad tanong ni Gavin. "Lagot sa akin ang babaeng 'yon." "Du'n, malapit sa may pinaka-malaking puno," I answered. "Girls," nakataas ang isang kilay na sambit ni Halene. "Let's go. No one should be doing this to our teammate." Raix tied her shoe lace at kinuha ang mahabang stick. "Let's go." Napalunok naman ako. "Ready," ani Kade. Napaawang na lang ang mga labi ko at sinundan ko na lang sila ng tingin. Tss... Pagbaling ko sa likuran ko ay hindi ko na nakita si Chanel. Agad naman akong nagpunta sa tent ko at hinalungkat ang bag ko para hanapin doon ang first aid kid. Pinuntahan ko rin siya agad sa loob ng tent niya. She was there. Pinupunasan ang dugo sa galos ng binti niya. Humugot ako ng malalim na hininga. "I can do that." I put alcohol on my hands bago ko simulang linisin ang sugat niya doon. Medyo malaki iyon and it looked painful. Marahan kong nilagyan ng gamot ang sugat niya hanggang sa natakpan ko na iyon ng cute na cute kong bandage. "There..." Nang natapos doon ay bumaling naman ako sa kanya. And there, by just looking at those eyes, kumislot na naman ang dibdib ko. Marahan kong hinaplos ang buhok niya and smiled at her from ear to ear. "I remember..." I whispered. "When we were young, parati kang umiiyak kapag nadadapa ka o kaya nagkakasugat ka, but now, you don't cry anymore." Lalo pa akong ngumiti rito and I continued to caressed her soft hair. "You're a grown up woman now, much stronger, much better and... I will always be proud of you." Slowly, she was changing and all people. When we were younger, she would always show me when she was scared and if she was hurt and then... I would always stay by her side. Embrace her, and tell her no one and nothing could harm her. Now it changed, but it was still her, the person I would always protect and embrace. Ilang sandaling magkakonekta ang nga mata namin bago ito umiwas. "I don't need you now." "I will bring something for you." Lumabas ako ng tent niya pero bumalik din ako pagkatapos kong kuhanin ang mga pagkain sa loob ng bag ko. Those were gummy bear, lollipop, marshmallow. Our favorites. She was doing something kaya naman tiningnan ko kung anong ginagawa niya. She was doing her project, scrapbook. Talagang kahit sa camping ay iyon pa rin ang gusto niyong gawin? She was designing it. Hindi ko naman mapigilang hindi tingnan iyon kaya naman dumapa pa ako para maka-puwesto nang maayos. "Gusto mo tulungan kita?" I asked her. "Get out." Sa halip na umalis ay kumuha ako ng sticker at tinulungan siyang idikit iyon sa mga gilid-gilid. Marunong naman akong maggupit ng mga flowers at heart sa papel kaya naman tinulungan ko na siyang gawin iyon. Napansin ko na litrato ang karamihang nakalagay doon. Their family, her and Gavin, minsan kasama pa sina Brayle, sina Raix... Habang naggugupit siya ng design binuklat ko muna ang pages ng scrapbook niya at tiningnan iyon mula sa umpisa. Hindi ko maiwasang mapabusangot pagdating ko sa dulo. Wala man lang akong mukha roon kahit masingit man lang sa picture. "Bakit wala ako dito?" I asked pouting. Of course I did not expect an answer from her. Galit ba talaga siya sa mukha ko? It was annoying that King was there in the picture as well as Kal, Ate, Klaire at Kiandre pero ako wala. Inangat ko ang tingin ko habang dinidikitan niya ng design ang gilid. "Sa susunod isama mo na ako ha? Piliin mo 'yung pinaka-pogi kong picture." Muli pa akong ngumiti sa kanya. She looked so serious. Marahan kong pinunasan ang pisngi niya gamit ang likod ng kamay dahil may naiwang glitters doon. Pagkatapos ng ilan pang page ay tiniklop niya na rin iyon. "I want to rest now." She needed to rest kaya naman hindi ko na siya kinulit pa. Nakabalik na rin ang apat at chill na chill nang nakaupo ang mga ito sa isang putol ng kahoy. They all seemed satisfied. "W-What happened?" I asked. "Served bitches a lesson," sagot ni Halene. Noon pa man, we really were used of defending each other. Ang trouble ko, trouble din nina Gavin, Helix at Brayle. Even I was wrong, they would still defend me and curse me pagkatapos nilang mabugbog. Also Kade, Raix, Halene, they seemed not to care pero hindi pa rin nila ako pababayaan. Maybe our parents were really just too close to each other that we could really feel their love. Lumaki ako na para ko silang tunay na mga kapatid. Tita Chantal, tita Hailey, tito Gabe ang tito Brent were like my parents too. Lalong lalo na sina tita Russ at tita Kianna pati na rin ang mga asawa nila. We never had a problem with them. Marami pang naging activities. Some really needed strengths at mukhang bored na bored na ang kapatid ko at gusto nang umuwi. It was really not her thing. She hates socialising at sigurado namang wala ring gustong makipag-socialise sa kanya dahil mukha siyang nangangagat. I was just teasing her like usual at sinali ko pa siya sa isang activity and she was very upset. Muntik niya nang mapadugo ang ilong ng kalaban niya. Pumwesto ako sa dulo kung saan mayroong upuan. Hinayaan kong dumapo ang malakas na hangin sa katawan ko habang tinitingnan ko ang magandang sunset. I just looked at it bago ako nagsulat sa hawak kong notebook. I was at peace not until someone with a loud mouth sat beside me. "So a loverboy is writing a song again for the love of his life. Let me see." Akmang aagawin niya sa akin ang notebook ko pero agad ko iyong nilayo mula sa kanya. "It's not yet done. I'll show you pag tapos na. I will be needing your judgement." "Sus, ang arte." "Psh..." Muli akong tumingin sa paglubong na araw. Ramdam ko naman na nakatingin pa rin ito sa akin. "Alam mo... sobrang sarap sa pakiramdam ng mahal ka ng taong mahal mo." "Hindi mo ako kailangang inggitin. Maghihiwalay din kayo." Agad nitong hinampas ang braso ko na ikinadaing ko. I knew she was very happy. Simula nang maging sila ni King, ibang-iba na ang kislap sa mga mata niya and I was also happy for her. Hiling niya 'yun eh. "Hindi kami maghihiwalay. Patay na patay sa akin ang kapatid mo." Umismid ako rito. "Talagang ikaw na ang nagsasabi niyan ngayon?" "Sana isang araw, makita ka rin ni Chanel." Umiling ako habang tumatawa nang mahina. "Hindi bagay sa'yo." "I'm serious." Tila batang anito at kumapit ito sa braso ko. Hinilig niya pa ang ulo sa balikat ko. "I saw you in tears last night eh... du'n, kasama ng mga fireflies." Mahina akong tumawa habang nakatingin pa rin sa sunset. "Chismosa ka talaga." Kinain kami ng katahimikan habang naalala ko na naman ang mga salitang narinig ko kagabi. Those were slowly hurting me again. I tried to just laugh at it, but maybe it wasn't that successful. "You're really annoying. Umalis ka nga dito," I told her when I knew I couldn't hide anymore. Hindi man lang ito umalis sa tabi ko at mas lalo pang sumiksik sa akin. Psh. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko susukuan ng babaeng 'yon kahit matagal pa akong maghintay. Kahit hindi ako sigurado kung hanggang kailan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD