Dia's POV
Busy kaming lahat dito. Ako, si Rish, si Ash, si marian at ang Seventh Wings maliban kay Axel. Sinadya talaga naming hindi isama si Axel dahil sa sobrang likot ng lalaking yun saka isa pa may kailangan syang gawin dun.
Alam din naming birthday ni Risa ngayon at kung paano namin nalaman well tiningnan namin sa folder nya nagulat nga kami last day noong nakita namin na two days na lang birthday nya ni wala man lang syang sinabi.
Kaya naman eto kami ngayon ng peprepare ng birthday party sa private island namin saka isa pa tinutulungan din namin sila mommy sa pagpaplano sa private island namin. Sabi kasi nila mommy gagawin daw nila tong resort.
Noong una nagulat kaming lahat dahil sa hindi namin inaakala na magkakaroon ng ganoong desisyon sila mommy like wow they are so inlove with they place and they dont want the others to know about this place and now? They are thinking about having a resort here?
At first we can't believe it but then nakita namin kung gaano sila kaseryoso kaya later on ayun nakita naming totoo ang sinasabi nila.
"Dia halika dito at tingnan mo to kung okay na tong design na to" tawag sa akin ni mommy kaya naman lumapit ako sa kanya.
"Hello po" bati ko doon sa architech na kasama ni mommy.
"Eto Dia" tapos binigay nya ang blue print sa akin.
Pinag aralan ko ang blue print na binigay sa akin, okay lang naman eh refreshing na refreshing.
"Okay na po ito itong blue print. Kung titingnan mo po eh maganda naman po ang pagtatayuan ng cottage at okay naman po dahil sa part na ito ay magiging private part pa rin sa island natin." at nag nod naman silang dalawa.
"Thanks Dia"
"Welcome mommy" at umalis na ako para puntahan sila Rish.
"How is it?" tanong ko at ngumiti naman sila sa amin.
"Okay na ang lahat. Inaayos na nila Oliver at Troy ang lights na gagamitin ang mga desk naman inaayos na ni Pao at Terrence samantalang sila Jaxon naman at Zander ay bumalik na sa manila para mag grocery." nakangiting sabi sakin ni Rish.
"Ouch! Eto ang ayaw ko dito eh" napatingin naman kami kay Ash at hinihimas nya ang braso nya. "Masyadong malamok" dagdag pa nya.
"Ayan ka na naman sa kakareklamo mo Ash hindi na talaga nakakapag taka na anak ka ni tita Aia" natatawang sabi naman ni Marian.
Okay na anag lahat. Its already five in the afternoon. And all is look perfect. Nagkatinginan kami at saka nagngitian.
"Looks like a perfect party" napalungon naman kami sa likod.
Sila mommy lang pala. Hinayaan nila kaming dito ganapin ang birthday ni Risa and kasama din namin ngayon ang kapatid ni Risa and ang mommy nya.
Sino nga bang mag aakala na kilala pala nila mommy ang mommy ni Risa. Tita Ana used to be an idol din daw sabi ni mommy sa amin and they are close to each other din so we didny worry about it naman.
"My daughter is so please to meet you guys" nakangiting sabi ni tita Ana.
"We are also please to meet her tita Ana" sabi ko at tumingin kila Ash.
"Wait wala pa ba sila Jaxon?" Tanong ni Rish.
"Wala pa ata" sagot naman ni Troy.
"Pag iyon nalate lagot sila sakin" inis na umalis si Ash at pumunta sa pinagbababaan ng helicopter.
Yes helicopter nga ang gamit namin papunta dito masyado kasing mabagal kung yate ang gagamitin namin. Malayo to sa manila part to ng isang bansa but they seems like didnt care about this island maybe dahil pagmamay ari to ng tinatawag nila mommy na mommy S.
Naiwan sila mommy sa gitna ng gubat. Opo ang mismong rest house namin nasa gitna ng gubat hindi naman din kasi ganun kaliit at di din ganun kalaki ang islang to. Isa pa wala namang mga wild animals dito wala ding ahas or yung tinatawag nilang sea snake.
Nang makarating kami sa spot kung saan bumababa ang helicopter ay sakto namang kararating lang nito naghintay kaming makababa ito at agad namang binatukan ni Ash ang dalawa.
"Aray naman Ash bakit ka nangbabatok?" Naka pout na tanong ni Zander.
"Kadiri ka wag ka ngang mag pout! Bakit ang tagal nyo? Aba wag nyong sabihing natraffic kayo dahil walang traffic sa taas!" Inis na singhal ni Ash.
Natawa naman kami. Kasi naman walang maisio na sasabihin ang dalawa.
"Nakita kasi namin sila Risa at Axel mukhang manonood sila ng sine hindi na din naman namin sinundad paglabas naman namin sa grocery pumunta sila sa restaurant nila tita Aia." Sabi ni Jaxon at binababa ang mga napamili.
"Nahirapan din kami dahil sa pagtatago namin sa sarili namin. May mga fans pa nga na nakakilala samin pero pinagsabihan namin sila at tinanong kung pwedeng magpatulong umoo naman sila. Bait nila no?" Nakangiting dagdag naman ni Jaxon.
"And you didnt even think about the time?" Taas kilay kong tanong.
"Unfortunately yes" at napayuko sila.
Bumuntomg hininga naman kami. Dapat six papunta na dito sila Axel kaya naman tinext ko sya na huwag muna. Nagpatulong kami kila mommy sa pagluluto dahil kulang na sa oras yung cake naman kami lang nagbake kaninang umaga pa to and three layer ang nagawa namin.
Hindi kami magkanda ugaga sa paluluto at ng mataposay agad naman kaming pinabihis nila mommy at ganun din sila Jaxon.
"Naeexcite ako" sabi ni Irish saka nya hinubad ang blouse nya.
Wala na sa amin ang maghubadan sa harap namin as long as may panty at bra kami. Siguro dahil sa sanay na kami kaya ganun saka isa pa nag wa-one piece naman kasi kami.
8 na ng gabi natapos ang lahat ng paghahanda namin kaya nagtext na ako kay Axel na pumunta na sila sa rooftop ng mall at pupunta na ang helicopter namin.
~~~~~~~~
Risa's POV
Its been ten minutes pero wala pa ring helicopter na dumadating, pinagloloko ba ako ng lalaking to?
"Wala naman atang darating eh" sabi ko at busy naman sya sa cellphone.
"Meron at maghintay ka lang"
"For pates sake Ax! Sampung minuto na tayo nag hihintay"
"Easy lang okay?"
Huminga ako ng malalim at saka ko maran na ibinuha iyon. Ayoko sa lahatvyung ganito eh nakakatanga wala man lang akong alam.
"Gustoka kasing makita nila Dia kahit na sobrang busy sila ngayon kasama ang parents nila" sabi nya at nakatutok sa cp nya.
Lumapit ako sa kanya at sinilip kung anong ginagawa nya and ayun busy pala maglaro. Bumuntong hininga ako at naupo na lang. After five minutes may nakita akong helocopter na paikot ikot sa mall at maya maya pa ay bumaba na ito.
"Halika na" sabi nya at hinila na ako.
Hindi ako mapakali bakit ganito parang kinakabahan ako? Ano bang nangyayari sa akin? Nakakapagtaka naman.
"Bakit para kang natatae? Medyo matagal tagal at malayo layo ang pupuntahan natin walang banyo dito"
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi ni Axel siguro kung hindi ako kinakabahan malamang natawa na ako sa sinabi nya.
"Baliw ka ba? Hindi ako natatae ang bastos nito."
"Ang bastos nakahubad hindi naman ako nakahubad ah pero pwede din naman ako maghubad kung gusto mo" nanlaki naman ang mga mata ko "Pero syempre joke lang."
Ay sayang.
"Baliw" yan na lang ang nasabi ko at tumingin sa butintana. "Wow!"
Ang ganda. Kitang kita dito ang buong maynila kung gaano kabusy ang buong pinas shemay ang ganda grabe. Pero napatigil ako ng mapansin na puro na dagat ang madaanan namin.
"Teka nga Ax saan ba talaga tayo pupunta?" Takang tanong ko "Wala na tayo sa pinas" bulalas ko pa.
"Easy ka lang Risa walang mananakit sayo ano ka ba"
Oo nga easy ka lang Risa wag kang OA. Huminga ako ng malalim at makaraan ang dalawampung minuto ay may nakita akong isla. At halos lumuwa naman ang mga mata ko sa panlalaki dahil sa doon kami bababa.
"Easy ka lang" tapos hinawakan ni Ax ang kamay ko.
Shemay naman mas lalo atang di ako naging easy yung puso ko grabe lang sa pagkabog. Nandito ba talaga sila Dia? Eh puro puno lang ang nakikita ko dito eh. Bumaba kami sa helecopter. Nakakatakot puro puno.
"Tara?" Yaya sakin ni Axel "Pero dahil may gusto akong ipakita dito sa isla na to pipiringan na muna kita. Dont worry aalalayan kita sisiguraduhin kong di ka masasaktan" nakangiti nya pang sabi.
Nganga. Wala man lang ako nasabi dahil sa sinabi nya at ang atay at balunbalunan ko pati ang obaryo ko gusto na pumutok sa sobrang kilig leche! Ang lakas ng tama mo sakin Axel panagutan mo ako. Ay jusko ano ba tong sinasabi ko?
Hinayaan ko syang alalayan ako at tama nga sya hindi nya hinayaan na matumba ako. Pero bakit ganun? Feeling ko may kasama kami? O baka dala lang to ng kabog ng dibdib ko? Pano ba naman naamoy ko hininga ni Axel bwisit na yan ang bango!
Binitawan nya ako at saka ako nagpanic. Naririnig ko ang alon at naamoy ko ang dagat nararamdaman ko rin ang hangin. Tinanggal ko ang piring at halos mapanganga ako sa nakita ko.
Yung beach I mean yung pangpang I mean ah basta yung tubig na naiiwan sa bungain parang mga star sa langit. Napatingala ako. Ang ganda parang buong milky way ang nakikita ko.
"Risa" dinig kong sabi ni Axel mula sa likod nya.
Marahan akong humarap sa kanya at halos hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Kung kanina kaba at kilig ngayon may halong saya.
"HAPPY BIRTHDAY RISA"
Kasabay ng pagkatapos nilang pagbanggit sa pangalan ko napanganga ako dahil biglang umilaw ang mga puno literal na nalagyan ng kulay ang ilang bahagi ng gubat.
Hindi ko alam kung gaano ako kathankful sa kanila. Hindi ko alam kung paano ko iexpress ang pasasalamat sa salita basta ang alam ko ngayon ang luha ko ang nagsasabi kung gaano sila kahalaga sakin. Si mommy, si daddy, si Max, sila tita at tito ang SW at higit sa lahat ang Melody Day isama mo na si manager G.
Thank you Lord na pinakilala mo silang lahat sakin. Thank you po.